Powered By Blogger

Tuesday, February 22, 2011

TALAMBUHAY NI JIM CARLO PRIA

ako nung graduation ng kinder
Ako si Jim Carlo Pria na ipinanganak noong ika 15 ng Oktobre taong 1991 sa City Hospital Lungsod ng San Pablo.Ako ay kasalukuyang nakatira sa Brgy Sta Monica, San Pablo City.Ang aking ina ay si Myra Pria, hindi ko na nakagisnan ang aking ama at kahit pangalan nya ay hindi ko alam.Isang taon palang ako ay iniwan na ako ng aking ina sa aking lola sapangkat isinangkot ang aking ina sa isang krimen ang hindi nya ginagwa.Simula noon nagkalayo na kami.Bata pa ako ay ang lola ko na ang nagalaga sa akin. Sya ay si Lita Pria, pero sa kasamaang palad pumanaw sya noong ako ay 6 na taong gulang sa kadahilanang sya ay nagkasakit.Ang aking lolo ay si Potenciano Pria. Ng mamatay ang aking lola ako ay tumira sa aking Tiya at Tiyo. Sila ay sina Susana Molina at Cesar Molina Sr, na kung tawagin ko ay mama susan at papa cesar. Sila na ang tumayong mga magulang ko simula ng iniwan ako ng aking lola. Mayroon silang tatlong anak at sila ay sina Kuya Warren, Ate Michelle at  Kuya JR. Sila naman ang nagsilbing mga ate at kuya ko.Pero may mga pagkakataon na binibisita ko ang aking ina at nagkakasama kami. Sa Bagong Lipunan Elementary School ako nagaral ng elementarya. Mahilig ako maglaro at makipagpartisipasyo sa eskwela. Naging manlalaro ako ng soccer noong ako ay nasa ikatlong baitang. Mahilig din kami ng mga kaklase ko pumunta sa mga bahay nila at doon kami gumagawa ng mga takdang aralin. Pagkatapos namin ay humahanap na kami ng mapaglilibangan. Ang kadalasan naming ginagawa pagkatapos ng aming takdang aralin ay luksong baka at tayaan. Madalas kaming napapagalitan ng mga gumagabay sa amin sapagkat sa tuwing uuwi kami ay laging madudumi ang aming mga suot na damit. Noong tumuntong na kami sa ika anim na baitang nagkahiwahiwalay kami. Ang iba sa amin ay napalipat ng ibang section. Kaya medyo nalungkot kami. Gayunpaman nagkakaroon pa din ng pagkakataon na magkasama sama kami. Hanggang sa dumating na ang oras na pinakamalungkot sa lahat, ang aming pagtatapos ng elementarya. Nangako kami sa isa't isa kahit hindi na kami laging nagkikita o nagkakasama sila pa din ang itinuturing ko na matatalik na kaibigan ko.


ako nung 1-yr. old
Sa Neptali A. Gonzales ako nagaral ng high school ito ay nasa Mandaluyong City. Dito ko mas pinili na ipagpatuloy ang aking pag-aaral sapagkat nais ko na maging malapit sa aking mama. At upang magkaroon din kami ng pagkakataon na magkasama ng matagal at maramdaman ko ang kanyang pagaalaga at pagmamahal. Doon ay nakakilala ako ng bagong mga kaibigan. Maayos ang paaralan na aking pinapasukan. Ito ay malapit lamang sa aking tinitirahan. Maaari mo itong lakarin o di kaya ay magsakay ng tricycle, pero kadalasan ako ay nagbibiyahe, Dahil mas maaga ang oras ng aming klase at kadalasan ay madalim pa pag ako ay umaalis ng bahay. Umaalis ako sa bahay ng ika lima ng umaga at umuuwi ako ng ika 1 ng hapon. Dito ay marami akong nakilala, mababae man o malalake ay naging malapit sa akin. At dito ko din nakilala ang unang babae na nagpatibok sa aking puso. Siya ay walang iba kundi si Apple Kate Peniascosas. Sa unang kita ko pa lang sa kanya nabighani na nya ang aking puso. Sa umpisa ay hindi ko sya magawang lapitan sapagkat ako ay nahihiya. Napaka ganda kase nya sa aking paningin. Para syang isang anghel na bumaba dito sa lupa. Mahaba ang kanyang buhok na paalon alon, Mala bumbayin ang kanyang mata, matangos ang kanyang ilong, maputi ang kanyang balat at mayron syang manipis na labi na mala rosas ang kulay. Kaya ako ay totoong napahanga sa kanya. Nagkakaroon din kami ng pagkakataon ng magkita sa labas ng paaralan sapagkat pareho kami ng relihiyon na kinaaaniban. At ang unang beses na kinausap ko sya ay totoong nakakakaba, Hindi ko malaman ang aking sasabihin at kung paano ko uumpisahan. Ito ay nangyari noong pabalik na ako ng laguna.

graduation ko ng elemen

Kahit konting oras lang iyo ay totoo namang nagdulot iyon sa akin ng lubos na kasiyahan.Sa kasamaang palad hindi ko nasubukan na suyuin si apple at dito din ako nagkaroon ng unang katipan.Nakalimutan ko na ang kanyang pangalan dahil iyon ay isang puppy love lang at hindi seryosohan.Subalit noong ako ay tumuntong na sa ikalawang taon sa high school ako ay bumalik na dito sa san pablo upang dito ipagpatuloy ang aking pag-aaral.Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ako nagpatuloy ng aking pag-aaral.Ako ay napunta sa section 2-B.Noong unang araw ko sa klase ay hindi pa ako komportable dahil hindi ko pa kilala ang aking mga kaklase. Pero noong makaisang linggo ay madami na akong nakilala at naging kaibigan. Dahil lahat sila ay madaling pakisamahan at mababait sila sa akin.Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makalahok sa isang grupo ng manlalaro ng soccer. Lumaban kami noong District Meet na ginanap sa paaralan namin. kami ay nagkamit ng ikatlong pwesto. Naging masaya din naman kami sa naging resulta kahit hindi kami ang nagkampeon. Ang pinakamasaya kong karanasan noong ako ay nasa ikalawang antas sa high school ay ang Florante at Laura. Dito ay naging mas malalapit kami sa isa't isa ng aking kaklase. Naging kalaban namin ang nasa iba't ibang section. Kami ang nagkamit ng ikalawang pwesto, at ang gumanap na Laura ang nagkamit ng unang pwesto siya ay walang iba kundi si Shiara Mae Sabirin, nagkaroon ako ng paghanga sa kanya noong kami ay magkaklase pa. Dahil sa ganda ng kanyang boses, at dahil mabait sya at marunong makisama.Ng dumating ako sa ikatlong antas sa high school ay hindi ko na naging kaklase si Shiara Mae. Dahil ako ay napalipat na sa section 3-C.Naging mas masaya ako sa section ko na iyon.Sapagkat lahat ng aking mga kabarkada ay kasama ko.Kapag ang isa ay aalis lahat kami ay kasama.Madalas kaming pumupunta sa bahay ng aking kabarkada na si Patrick Alvero.Doon kami kumakain ng tanghalian tuwing kami ay halfday lang at madalas kaming naglalaro ng basketball. At minsan kami ay nagiinuman at nagkakasiyahan kapag mayroong okasyon.Ang pinakamasayang nangyari noong ako ay nasa ikatlong antas ay ng naganap ang Shindig. Ito ay labanan ng mga banda na estudyante din ng Dizon High.Dito ay kalahok din si Shiara Mae at dito ay muli niya akong napahanga sa ganda ng kanyang boses.Hindi man ako nabigyan ng pagkakataon na siya ay makausap ng araw na iyon ay masaya na din ako sapagkat sya ang nagwagi. Bago ako matapos sa ikatlong antas ay nagkaron kami ng swimming, kaming lahat na magkakaklase. Ito ay sa Countryside, kanya kanya kami ng dalang pagkain at pinagsama sama nalang namin ito upang madami kaming makain. Ang swimming na iyon ay hindi ko makakalimutan dahil sa sobrang saya naming lahat.At ng matapos na ako sa ikatlong antas ng high school ay napahiwalay ulit ako sa aking mga kaklase. Ako ay napalipat sa section 4-D, na ngayon ay aking kaklase. Unang araw ko ay hindi ako masyadong masaya. Dahil wala akong makausap at iba na kase ulet ang aking mga kaklase. Bagong pakikisama na naman ang akin dapat na gawin. Noong una kala ko ay mahirap pakisamahan ang aking mga kaklase dahil mga mahiyain at hindi pala kaibigan. Pero noong nakailang linggo na naging malapit na kami sa isa't isa.Dahil magkakapareho ang aming mga hilig o gusto.Lagi naming ginagawa kapag walang klase ay ang paglalaro ng Dota.Sa mga araw naman ng sabado at linggo pati pag wala kaming pasok ay napasok ako sa Alkaline health water na pagaari ng akin tiyahin. Dito ay kasama ko ang dalawa kong pinsan na itinuturing ko na din mga kuya ko. Sa pamamagitan ng pagtatrabaho ko ay natutustusan ko ang aking pag-aaral. Dito ako nakuha ng aking baon at hindi na ako nanghihingi pa sa aking tiyahin na tumayo na din na aking ina.Natuto na akong maging independent at hindi umaasa sa iba.Kaya pinapagbuti ko ang aking pag-aaral, na sa kasalukuyan ako ay magtatapos na sa high school. Pag natapos ko ang aking high school ako ay magaaral ng kolehiyo, sa kursong aking gusto. Gusto ko kumuha ng architectural o electrical engineering. Hindi ko pa alam ang eskwelahan na aking papasukan. Dahil ang gusto ng aking mama ay sa mandaluyong ako mag-aral ng kolehiyo.Dito ay tatapusin ko ang aking kurso at maghahanap ako ng magandang trabaho para matulungan ko ang aking mama at ang mga kumupkop sa akin nung ako ay bata pa hanggang sa ngayon. Gagawin ko ang lahat upang makamit ko ang aking mga pangarap at aking minimithi sa buhay.Upang masuklian ko ang kabutihan na ginawa sa akin ng mga taong nag-alaga at nag aruga sa akin.

ako ngayong kasalukuyan

No comments:

Post a Comment

blogerz

san pablo city laguna, 4-A, Philippines