Powered By Blogger

Tuesday, February 22, 2011

TALAMBUHAY NI JIM CARLO PRIA

ako nung graduation ng kinder
Ako si Jim Carlo Pria na ipinanganak noong ika 15 ng Oktobre taong 1991 sa City Hospital Lungsod ng San Pablo.Ako ay kasalukuyang nakatira sa Brgy Sta Monica, San Pablo City.Ang aking ina ay si Myra Pria, hindi ko na nakagisnan ang aking ama at kahit pangalan nya ay hindi ko alam.Isang taon palang ako ay iniwan na ako ng aking ina sa aking lola sapangkat isinangkot ang aking ina sa isang krimen ang hindi nya ginagwa.Simula noon nagkalayo na kami.Bata pa ako ay ang lola ko na ang nagalaga sa akin. Sya ay si Lita Pria, pero sa kasamaang palad pumanaw sya noong ako ay 6 na taong gulang sa kadahilanang sya ay nagkasakit.Ang aking lolo ay si Potenciano Pria. Ng mamatay ang aking lola ako ay tumira sa aking Tiya at Tiyo. Sila ay sina Susana Molina at Cesar Molina Sr, na kung tawagin ko ay mama susan at papa cesar. Sila na ang tumayong mga magulang ko simula ng iniwan ako ng aking lola. Mayroon silang tatlong anak at sila ay sina Kuya Warren, Ate Michelle at  Kuya JR. Sila naman ang nagsilbing mga ate at kuya ko.Pero may mga pagkakataon na binibisita ko ang aking ina at nagkakasama kami. Sa Bagong Lipunan Elementary School ako nagaral ng elementarya. Mahilig ako maglaro at makipagpartisipasyo sa eskwela. Naging manlalaro ako ng soccer noong ako ay nasa ikatlong baitang. Mahilig din kami ng mga kaklase ko pumunta sa mga bahay nila at doon kami gumagawa ng mga takdang aralin. Pagkatapos namin ay humahanap na kami ng mapaglilibangan. Ang kadalasan naming ginagawa pagkatapos ng aming takdang aralin ay luksong baka at tayaan. Madalas kaming napapagalitan ng mga gumagabay sa amin sapagkat sa tuwing uuwi kami ay laging madudumi ang aming mga suot na damit. Noong tumuntong na kami sa ika anim na baitang nagkahiwahiwalay kami. Ang iba sa amin ay napalipat ng ibang section. Kaya medyo nalungkot kami. Gayunpaman nagkakaroon pa din ng pagkakataon na magkasama sama kami. Hanggang sa dumating na ang oras na pinakamalungkot sa lahat, ang aming pagtatapos ng elementarya. Nangako kami sa isa't isa kahit hindi na kami laging nagkikita o nagkakasama sila pa din ang itinuturing ko na matatalik na kaibigan ko.


ako nung 1-yr. old
Sa Neptali A. Gonzales ako nagaral ng high school ito ay nasa Mandaluyong City. Dito ko mas pinili na ipagpatuloy ang aking pag-aaral sapagkat nais ko na maging malapit sa aking mama. At upang magkaroon din kami ng pagkakataon na magkasama ng matagal at maramdaman ko ang kanyang pagaalaga at pagmamahal. Doon ay nakakilala ako ng bagong mga kaibigan. Maayos ang paaralan na aking pinapasukan. Ito ay malapit lamang sa aking tinitirahan. Maaari mo itong lakarin o di kaya ay magsakay ng tricycle, pero kadalasan ako ay nagbibiyahe, Dahil mas maaga ang oras ng aming klase at kadalasan ay madalim pa pag ako ay umaalis ng bahay. Umaalis ako sa bahay ng ika lima ng umaga at umuuwi ako ng ika 1 ng hapon. Dito ay marami akong nakilala, mababae man o malalake ay naging malapit sa akin. At dito ko din nakilala ang unang babae na nagpatibok sa aking puso. Siya ay walang iba kundi si Apple Kate Peniascosas. Sa unang kita ko pa lang sa kanya nabighani na nya ang aking puso. Sa umpisa ay hindi ko sya magawang lapitan sapagkat ako ay nahihiya. Napaka ganda kase nya sa aking paningin. Para syang isang anghel na bumaba dito sa lupa. Mahaba ang kanyang buhok na paalon alon, Mala bumbayin ang kanyang mata, matangos ang kanyang ilong, maputi ang kanyang balat at mayron syang manipis na labi na mala rosas ang kulay. Kaya ako ay totoong napahanga sa kanya. Nagkakaroon din kami ng pagkakataon ng magkita sa labas ng paaralan sapagkat pareho kami ng relihiyon na kinaaaniban. At ang unang beses na kinausap ko sya ay totoong nakakakaba, Hindi ko malaman ang aking sasabihin at kung paano ko uumpisahan. Ito ay nangyari noong pabalik na ako ng laguna.

graduation ko ng elemen

Kahit konting oras lang iyo ay totoo namang nagdulot iyon sa akin ng lubos na kasiyahan.Sa kasamaang palad hindi ko nasubukan na suyuin si apple at dito din ako nagkaroon ng unang katipan.Nakalimutan ko na ang kanyang pangalan dahil iyon ay isang puppy love lang at hindi seryosohan.Subalit noong ako ay tumuntong na sa ikalawang taon sa high school ako ay bumalik na dito sa san pablo upang dito ipagpatuloy ang aking pag-aaral.Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ako nagpatuloy ng aking pag-aaral.Ako ay napunta sa section 2-B.Noong unang araw ko sa klase ay hindi pa ako komportable dahil hindi ko pa kilala ang aking mga kaklase. Pero noong makaisang linggo ay madami na akong nakilala at naging kaibigan. Dahil lahat sila ay madaling pakisamahan at mababait sila sa akin.Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makalahok sa isang grupo ng manlalaro ng soccer. Lumaban kami noong District Meet na ginanap sa paaralan namin. kami ay nagkamit ng ikatlong pwesto. Naging masaya din naman kami sa naging resulta kahit hindi kami ang nagkampeon. Ang pinakamasaya kong karanasan noong ako ay nasa ikalawang antas sa high school ay ang Florante at Laura. Dito ay naging mas malalapit kami sa isa't isa ng aking kaklase. Naging kalaban namin ang nasa iba't ibang section. Kami ang nagkamit ng ikalawang pwesto, at ang gumanap na Laura ang nagkamit ng unang pwesto siya ay walang iba kundi si Shiara Mae Sabirin, nagkaroon ako ng paghanga sa kanya noong kami ay magkaklase pa. Dahil sa ganda ng kanyang boses, at dahil mabait sya at marunong makisama.Ng dumating ako sa ikatlong antas sa high school ay hindi ko na naging kaklase si Shiara Mae. Dahil ako ay napalipat na sa section 3-C.Naging mas masaya ako sa section ko na iyon.Sapagkat lahat ng aking mga kabarkada ay kasama ko.Kapag ang isa ay aalis lahat kami ay kasama.Madalas kaming pumupunta sa bahay ng aking kabarkada na si Patrick Alvero.Doon kami kumakain ng tanghalian tuwing kami ay halfday lang at madalas kaming naglalaro ng basketball. At minsan kami ay nagiinuman at nagkakasiyahan kapag mayroong okasyon.Ang pinakamasayang nangyari noong ako ay nasa ikatlong antas ay ng naganap ang Shindig. Ito ay labanan ng mga banda na estudyante din ng Dizon High.Dito ay kalahok din si Shiara Mae at dito ay muli niya akong napahanga sa ganda ng kanyang boses.Hindi man ako nabigyan ng pagkakataon na siya ay makausap ng araw na iyon ay masaya na din ako sapagkat sya ang nagwagi. Bago ako matapos sa ikatlong antas ay nagkaron kami ng swimming, kaming lahat na magkakaklase. Ito ay sa Countryside, kanya kanya kami ng dalang pagkain at pinagsama sama nalang namin ito upang madami kaming makain. Ang swimming na iyon ay hindi ko makakalimutan dahil sa sobrang saya naming lahat.At ng matapos na ako sa ikatlong antas ng high school ay napahiwalay ulit ako sa aking mga kaklase. Ako ay napalipat sa section 4-D, na ngayon ay aking kaklase. Unang araw ko ay hindi ako masyadong masaya. Dahil wala akong makausap at iba na kase ulet ang aking mga kaklase. Bagong pakikisama na naman ang akin dapat na gawin. Noong una kala ko ay mahirap pakisamahan ang aking mga kaklase dahil mga mahiyain at hindi pala kaibigan. Pero noong nakailang linggo na naging malapit na kami sa isa't isa.Dahil magkakapareho ang aming mga hilig o gusto.Lagi naming ginagawa kapag walang klase ay ang paglalaro ng Dota.Sa mga araw naman ng sabado at linggo pati pag wala kaming pasok ay napasok ako sa Alkaline health water na pagaari ng akin tiyahin. Dito ay kasama ko ang dalawa kong pinsan na itinuturing ko na din mga kuya ko. Sa pamamagitan ng pagtatrabaho ko ay natutustusan ko ang aking pag-aaral. Dito ako nakuha ng aking baon at hindi na ako nanghihingi pa sa aking tiyahin na tumayo na din na aking ina.Natuto na akong maging independent at hindi umaasa sa iba.Kaya pinapagbuti ko ang aking pag-aaral, na sa kasalukuyan ako ay magtatapos na sa high school. Pag natapos ko ang aking high school ako ay magaaral ng kolehiyo, sa kursong aking gusto. Gusto ko kumuha ng architectural o electrical engineering. Hindi ko pa alam ang eskwelahan na aking papasukan. Dahil ang gusto ng aking mama ay sa mandaluyong ako mag-aral ng kolehiyo.Dito ay tatapusin ko ang aking kurso at maghahanap ako ng magandang trabaho para matulungan ko ang aking mama at ang mga kumupkop sa akin nung ako ay bata pa hanggang sa ngayon. Gagawin ko ang lahat upang makamit ko ang aking mga pangarap at aking minimithi sa buhay.Upang masuklian ko ang kabutihan na ginawa sa akin ng mga taong nag-alaga at nag aruga sa akin.

ako ngayong kasalukuyan

Talambuhay ni Emerson D. Pingol

Ako po si  Emerson D. Pingol. Ipinanganak ako noong Mayo 1, 1995. Ang  aking mga magulang ay sina Eduardo C. Pingol at si Sonia D. Pingol. Meron po akong isang kapatid na nagngangalang Edwardson D. Pingol.

ako ay isang buwan pa lamang


Meron siyang asawa na ang pangalan ay Candy C. Pingol. Meron silang dalawang anak na malulusog at makukulit ang mga pangalan nila ay Joshua C. Pingol at Clarissa C. Pingol. Kahit sila ay makukulit ay mahal na mahal ko ang aking mga pamangkin.

At kami ay nakatira sa Barangay 7-A 043 Fule Sahagun st. San Pablo City Laguna. Ako po ay nag aral ng kinder sa paaralang San Pablo Central school. Ang aking naging guro noon ay si mrs santos siya po ay napakabait  at napaka ganda. Magaling po siyang magturo sa amin at napakabait niya po sa kanyang mga tinuturuan.

Ako po nung kinder ay napaka kulit pero ako naman po ay napag papasensyahan ng aking guro dahil pag minsan mabait naman ako sa kanya. Ako rin po ay nakasali rin sa isang palatuntunan nung akoy kinder. Masaya po akong nakapag tapos ng kinder.

nung ako ay tatlong taon pa lamang
At dito narin po ako nag grade 1 at ang naging guro ko po nun ay si Ginang Galves. Kami po ay nag kahiwahiwalay  na po kaming mag kakaklase ang iba po ay pumasok sa ibang school pero ang iba ay sa San Pablo Central School pa din. Pero naging Masaya parin ako dahil nagkakasama parin kami kahit hindi na kami mag kakaklase.

Dahil po kasi pag minsan ay nagkikita kita parin po kami pag may okasyon sa ibang lugar o sa kaarawan ng aking mga kaklase noon. Ako rin po ay napakulit na bata lagi po ako noon napapagalitan dahil sa aking kakulitan sa loob ng klase o sa labas ng room. Pero po ako ay kahit na makulit at pasaway noong grade 1 ako. Ako po at matulungin sa aking mga kaklase o kamag aaral. At ako ay mapag bigay sa aking mga kaklase kahit sila ay madamot sakin pag minsan ay sila parin ay binibigyan ko pag ako ay meron. Ako rin po dati ay lagi akong nakiki pag laro lalaro ng habul habulan. Ang aking mga kalaro ay ang aking mga kaklase Masaya kami pag kami ay nag lalaro pero pag minsan ay nag kakaaway kami dahil nagkakapikunan o nag kakaasaran. Minsan ako ay nasusugatan pero pag minsan ay di ko iniinda ang sakit o di man lang ako naiyak. Dahil pag ako’y umiyak ako ay mapapalo sa amin. Kaya pag minsan  ay itinatago ko ito o di ko na lang sasabihin na ako ay may nasaktan o nasugatan sa aking tatay dahil ito ay magagalit sa akin. At pag minsan pag walang pasok ay di ako nakakalabas ng bahay dahil ako ay pinagbabawalan ng aking magulang dahil baka kung saan daw ako makapunta.

At pag katapos ko ng grade 1. Dito na rin ako  nag grade 2 nung akoy nakatungtong na ng ikalawang baitang. Ang naging guro ko po non ay si Mrs. Glindro  maliit lng po siya at cute pero wala po siyang asawa namatay na po ang kanyang asawa. Kaya nakatuon na lng po samin ang kanyang pagtuturo at atensyon. Meron din siyang dalawang anak at meron ng kanya kanyang pamilya.

at nung grade 3 naman po ako  ay ang naging guro ko po nun ay si Mrs. Azucena may edad na po siya  at at mabait din kagaya ng mga nauna kong mga guro. Pero ilang taon lang ay siya ay nagritiro na din  dahil sa kanyang katandaan pero nung kami ay tinuturuan niya kami ay napakabait sa kanya at lagi kaming nasunod sa kanyang mga utos. Dahil ayaw namin syang magagalit sa amin.

 At ang sumunod kong guro ay si Mrs. Hernandez siya ang naging guro ko sa ikaapat na baitang. Byuda na po siya  pero pag minsan siya ay strikta sa amin kasi ayaw niya ng magulo ay maingay. Pero magaling siyang magturo sa amin. Siya rin po ang aking naging tutor siya po ang nagtuturo sakin ng mga ibang asignatura. Misan ay na papagalitan kami dahil  sa aming kaingayan. Ako pag minsan ang kanyang pinag kakatiwalaan at inuutusan pero siya ay nag retiro  na rin sa kadahilanang siya ay mag iibang bansa sa Australia. Dahil siya ay kinuha na ng kaniyang mga kapatid at kanyang ina.

At nung akoy grade 5 na ang aking naging guro ay si Mrs Llave siya po ay napaka istrikta sa amin pero pag kalaan ng ilang buwan ay siya rin ay nakasundo ko. Mataray lang po pala siya  pag hindi nasunod sa kanya ang kanyang tinuturuan. Naging kaibigan din po siya ng aking nanay. Pag minsan ay ako rin po ang kanyang inuutusan  kung may bibilhin siya sa canteen. Pero naging Masaya din po ako dahil marami rin akong naging kaibigan at kalaro. Marami narin akong natutunang bagong laro. Kagaya ng mga sipa  at mga sikyo o kahit na anong laro. Pag minsan  ako ay lagi akong nahuhuli dahil ako ay mabagal tumakbo nung magtatapos na kami ng grade 5 ay kami ay nag swimming sa villa gregoria. Marami kaming pag kain noon at kumpleto po rin kaming mag kakaklase magkakasama rin po ang aming mga magulang. Dahil po sila ay nag aayos n gaming kakainin at sila rin  po ang aming tagabantay  sa amin pagkatapos po naming mag swimming. Kami rin po ay umuwi agad.
 at nung grade 6 ang naging guro ko po nun ay si Mrs. Torres. Siya po ay di ko makasundo dahil sa kanyang ugali  siya po ay napaka taray  kahit konting ingay lang po naming mag kakaklase ay kami po ay pinapagalitan  at pinapatayo nang ilang oras. Pagminsan ay naglalaro kami ng kompyuter sa gym pag minsan ay nahuhuli kami n gaming guro. Pagkami ay nahuli ay may panibagong parusa na naman kaming magkakaklase.

Kung hindi pag tayo  at pag pupushup kami ng dalawang daan walang tigil at walang pahinga. Pag minsan ay madalas kaming maglaro sa ilalim ng mga room  pag minsan ay nagkakasakitan kami dahil sa aming mga kagaslawan. Pag minsan ay pikon ako dahil ayoko ng akoy inaasar  at pag minsan ang aking mga kalaro ay pikon din. Ako din dati ay sumali din sa patimpalak sa gym  ako ay pinalad manalo ng 1st runner up sa patimpalak na iyon laking tuwa ng aking mga magulang sakin dahil ako ay nanalo ng 1st runner up  nag handa non si mama ng maraming pagkain at marami rin naman akong bisitang dumating. Dahil maraming kinumbida ang aking magulang kasama na ang aking mga kaklase at ang aking mga kamag anak at mga tiyahin.

Daig pa non ang aking birthday na kakaonti ang aking handa pag katapos non ay balik ulit ako sa pag aaral nakatuon na ulit ako  sa aking pag aaral. Habang tumatagal  ay pahirap ng pahirap ang itinuturo  ng guro  kaya pag minsan ay nababa ang grades sa major subject. Dahil ako ay mahina sa math at nung papatapos na ang taon ay naipasa ko naman ang lahat ng subject. Kaya ako ay naka graduate na ng grade 6 laking tuwa ko at ako ay nakakagraduate na din laking tuwa din ng aking magulang dahil ako din ay makakagraduate na.

ako ay graduate ng kinder


at nung ako’y 1st year na ang naging guro ko ay si gng Brinas. Ako po ay kinakabahan dahil bago po ang aking guro at hindi ko pa alam ang kanyang ugali at naninibago po ako sa aking mga kaklase dahil hindi ko pa sila nakakasama o nakakausap man lang. habang tumatagal ako ay nag kakaroon din naman ng kaibigan at mga kakilala. Pero hindi ko pa sila lubos kilala kahit kami ay nag kakausap. Pag minsan ang mga kaibigan ko ang kasabay ko sa pag uwi o pag gawa ng mga project o sa kahit anong bagay.

Ako ay nakasundo ko narn ang aking mga guro at ang aking adviser. Pag minsan ay kami ay napapagalitan dahil sa aming kakulitan at kagaslawan pag minsan napaparusahan ako  dahil ako ay late na pumasok dahil pag minsanakoay tinatanghali ng gising. Ako rin pag minsan ay wala akong assignment dahil ako ay tinatamad pag minsan ako ay sinali ng aking guro  sa lakan at mutya ng dizon high sa una ayaw kong sumali dahil ako ay nahihiya at wala pa kong karanasan sa mga ganung bagay.

Napasali lang nila ako dahil  ako ay tinakot lang ng aking guro na pag daw di ako sumali ay ako ay ihuhulog niya sa kaniyang subject. Nung araw ding iyon  ay ako ay sumali din araw araw kaming nag prapractice  sa paglalakad sa stage ang nagtuturo samin ay si sir victorio ako ay pinalad makapasok sa audition labing tatlo lang kaming napili na lalaban sa lakan at mutya nung araw ding iyon ay lalo akong kinabahan dahil  umpisa na yon ng aming pagprapraktis at haharap na kami sa maraming tao sa buong dizon o sa ibang tao. Lagi akong napapagalitan sa aking praktis dahil ako ay hindi nasunod kay sir victorio sa kanyang mga sinasabi at instruction sa amin. Makaraan ng ilang linggo  kami ay nag pictorial sa maria pas dun kami nag pakuha ng mga letrato  kasama ko nun ang aking ate. Siya rin ang nag aayos sakin pag ako’y kukuhanan na ng lettrato at nung December 14 ay dun na ginanap ang labanan ng lakan at mutya  ng dizon high sa pamana hall.

At nung mag papakilala na kami ay ako ay kinakabahan. Dahil ang daming tao sa labas  ako naman ay pinalad manalo ng best in talent. Dahil ako ay sumayaw at ang pangalawa ko ay mr photogenic di ko inaasahan namakukuha ko ang mr photogenic. Dahil mas maraming may itsura sa akin kala ko best in talent lang. pasalamat na rin ako at nakakuha pako ng isang award. At nang pang huli ay nag tawagan na ng 2nd at 3rd kala ko di na ko mananalo pero nawalan na ko ng pag asa  pero di ko alam  na ako ang mananalo  sa patimpalak na iyon. Laking tuwa ko dahil ako ay nanalo at laking tuwa din  ng aking mga kaklase at nang aking guro at nang aking mga magulang  ako ay nag papasalamat sa kanila dahil sila ang sumoporta sa akin at lalo na akoy nag papasalamat sa aking magulang natodo ang suporta sa akin. At pag katapos ng araw na iyon ay marami nang nakakakilala sa akin at marami narin akong bagong nakilalang kaibigan  dahil lang sa pag Sali ko sa patimpalak na iyon ay marami na rin akongnakilalang bagong kaibigan. Dahil lang sa pagsali ko sapatimpalak na iyon. Habang tumatagal ay ako naman ay nagsisikap na sa aking pag aaral dahil magtatapos na ang taon kailangan kong mapataas ang aking marka para di bumaba ang seksyon ko.


Ako naman ay pinalad na makatungtong ng sekondarya. Kala ko ay bago na naman ang aking mga kaklase. At meron din naman kaming  bagong kaklase. Masaya ako dahil sila parin ang aking mga kaklase at kasama  at alam ko na ang mga ugali nila. Noon  akoy nasa sekondarya  kami ang nagtuturo sa amin. Pero kahit ganon ay nakabuo naman kami ng aming ipapalabas sa library. Kahit di naman kami pinalad manalo ay Masaya pa rin kami dahil nabuo namin ang aming play. At kami ay magkakasama pa din minsan kami ng mga kaklase ko  ay nag aaway dahil pag minsan  ay kami ay nagaasaran at nag kakapikunan at pagminsan ay nag tutulungan kami kahit sa anong bagay at nung nagtatapos na ang taon  ay nag karoon ako nang problema sa science.

Dahil di ako nakapag pasa ng project di pinirmahan ang aking clearance. Pero sa huli ay napapirmahan ko naman iyon  at nakumpleto ko naman  ang aking mga pirma sa clearance.

Pagkatapos non nakatungtong na ko ng third year sabi nila napakahirap ng third year ang aking naging adviser ay si Mrs Baylon  siya ay napakabait samin siya ang natulong samin pag kami ay may hulog sa ibang subject. Pag minsan siya ay mataray dahil sa aming kakulitan at nung nagtagal na ay nakasundo ko na rin siya. At nung mag js na ko ay wala ang aking ina.

Nag punta siyang Singapore isang buwan siya don di man lang naman niya ako nakita nung js ko ang nag ayos sakin non ay ang aking ate. Kahit wala ay umatend pa rin ako ng js Masaya naman dahil marami akong naisayaw. Kasama na din ng aking mga kaklase nung araw ding namang iyon\akoy maraming kasamang kaklase at kaibigan  yun ang kaunaunahang js ko. Pag katapos ng kasiyahang iyon ay balik na ulit ako sa aking pag aaral napaka hirap talaga  ng third year dahil maraming subject ang mahirap. Lalo na ang math  ako naman ay pinalad makapasang third year.

nung akoy 4th year

ngayon akoy  4th year na  kailangan ko nang magsikap ng mabuti. Para akoy maka graduate  pero marami narin naman akong nakilala sa pag dating ko ng 4th year. Kami ay sumali sa cheerdance pero hindi kami pinalad manalo. Dahil magaling ang aming mga kalaban  pero mapalad narin kami at kami ay nakasali at ang aking naging adviser ay si Mr Vasques. Kahit siya ay napaka tahimik  ay siya ay napaka bait sa amin. At siya ay napakagaling magturo pero ngayong 4th year parang napakadali ng mga asignatura dahil di tulad ng dati na akoy mababa pero ngayong 4th year ay napataas ko naman ang aking marka. Pero nitong first deliviration ay ako naman ay hindi naman napasali. Laking pasasalamat ko  at hindi ako napasali  at nung js ay hindi ako sumali dahil ang pangit ng isusuot. Kahit hindi ako nakasali ay naka experience din naman ako  noong third year  ako. Pero ngayon akoy nangangamba dahil hindi pa ko nakakasigurado kung ako ay makakagraduate dahil sa dami pang project. Pero inuunti unti ko namang tinatapos ang aking project para akoy makapasa pero ako ay umaasa na ngayong taon na ito ay ako ay makakatapos na ng aking pag aaral at akoy makakagraduate  at makatungtong ng colleges.


Talambuhay ni Jayson O. Salamat

Taong oktubre 21, 1985 isinilang ako sa bayan ng San Pablo lalawigan ng laguna.
Ang akin ama ay si Jose Bayani Salamat at aking ina naman ay Maria Luisa De Castro Olivares.

Ako ay may apat na kapatid si Jesica Salamat,Jocelyn Salamat,Jovito Salamat at Joselito Salamat. Bata pa lang ako ay namulat na ko sa di masayang pamilya. Dahil ang aking ama ay masyadong babaero kaya marami kaming kapatid sa ama.

ako at ang nga kapatid ko

Natatandaan ko pa nung 5 taon pa lamang ako nakatira kami sa bahay ng ina ng aking ama. May kalakihan man ang aming bahay sapagkat ang mga tiyahin ko ay mga sipsep sa aking lola kaya nag pasya ang aking ina na iwan kami at dahil narin sa aking ama.

Ako ay naiwan sa aking kapatid at siya na ang nangalaga sa akin. Hanggang  lumayas rin ang aking kapatid dahil na rin sa aking mga pinsan. Kaya nag pasya ang aking ama na dalhin ako sa kanyang pangalawang asawa. Kasama ko ang aking mga kapatid sa ama. Mahirap pa lang makisama sa di mo tunay na ina at mga kapatid.

Nang akoy nag pitong taon na ay pinag aral ako ng aking ama sa Ambray elementary school na malapit sa aming bahay sa Guadalupe. Subalit lumipat kami dahil nakabili ang aking ama sa maglalang ng lupa.

Nang akoy walong taon na nag aral naman ako sa San Roque elementary school. Masaya naman ako dahil marami akong naging kaibigan.

Nang akoy nasa ikatlong baitang na ay namatay ang aking ama kaya akoy napatigil sa aking pag aaral, dahil wala na sa aking mag papaaral ang inuna muna ng aking tiyahin ay ang kanyang mga anak.

Nang namatay ang aking ama ay gumuho ang aking mga pangarap sa buhay. Lahat ng mga kapatid ko ay nag si alis sa puder ng aking tiyahin kaya naman ako ay nag pasyang umalis.

Nag hanapako ng trabaho upang akoy makapag aral ngunit walang nakuha ng bata sa pag tratrabaho. Kaya naman nag sumikap ako makahanap at nakuha naman ako subalit di ako pinagaral.

Kaya humanap ulit ako ng pwedeng makatulong sa akin siyam na taon akong napatigil sa pag aaral at nag trabaho muna.

At sa wakas nakahanap ako ng mag asawa na makakatulong sa akin. Pinag aral nila ako pero nag tratrabaho ako sa kanila bilang tagapag alaga ng manok.

Pinag aral nila ako ng grade sa siniluan kapatatan elementary school halos 16 years old na kong ng grade 3  dahil matagal nga akong napatigil.

Sa kabutihang palad ay natapos ko ang grade 3 subalit ako ay di nakatiis dahil sa mahirap manirahan sa ibang tao. Lahat ng kilos mo kailangan ay alam nila kailangan tumulong ka bago ka pumasok.

Kaya nag pasya akong umalis at bumalik sa aking lugar na sinilangan. Bago ako umalis ay natapos ko ang ikaapat na baitang.

At pag balik ko sa San Pablo nabalitaan ko na namatay ang aking kapatid. Kaya naman nag pasya ako ulit mag aral upang di ako mapatulad sa aking mga kapatid.

Ako ay nag aral ng grade 5 ay ako ay 18 years old na. Una, nahihiya akong pumasok  dahil baka sabihin ng mga kaklase ko na akoy matanda na.

Pero di naman ganoon ang nang yari dahil lahat ng mga kaklase ko ay mabait sa akin at naging kaibigan ko.

At sa wakas naka graduate ako kahit wala sa aking tumutulong sa aking mga financial na pangangailangan.

Halos 20 years old na ko ng akoy na ka graduate. Napaka saya ko dahil nakapag tapos na rin ako sa tulong ng diyos at sa trabaho ko upang matapos.

Ngunit nawalan ako ng pag asa ng akoy napatigil sa kadahilanan sa kakulangan sa pera. Napatigil ulit ako ng isang taon.

Pero di pa rin ako nawalan ng pag asa. Nag hanap ako ng tao na tutulong sa akin ayoko kasing tumulad sa akingmga kapatid na napariwara ang buhay.

At nakilala ko ang aking napaka bait na tiyuhin na si Apollo C. Malalang at akoy kanyang tinulungan upang maka pag aral.

noong ako ay 1rst year high school

At ako nga ay pinaaral sa COL Lauro D Dizon MNHS ng first year at ako naman ay nag aral ng mabuti ng kami ay lumaban sa ibong adarna ay Masaya kaming mag kakaklase dahil nanalo kami sa laban at nakatanggap kami ng parangal na pinaka magaling gumanap sa higante.

Nung kami naman ay second year lumaban kami ng florante at laura ngunit wala kaming natamong parangal ngunit Masaya kami dahil nagawa namin ang best naming.

At kami ay nakapasa at naging third year na sa wakas malapit na kaming maging 4th year at ngayon kami ay malapit ng grumaduate. Napakasaya ko at malapit ko nang matapos ang aking pangarap sa buhay  pero alam kong di pa ito ang talagang masasabing tagumpay gusto ko pang mag aral sa kolehiyo upang isang maging propesyonal at tumulad sa aking inspiration walang iba kung hindi ang aking butihing tiyuhin.


Siya ang tumulong sa akin at nag malasakit hindi lang samateryal na bagay pati na rin emosyonal. Na kahit wala akong naitulong sa kanya ay handa pa rin niya akong suportahan sa aking mga pangarap.

Lagi niya akong pinapangaralan na wag daw akong tutulad sa aking ama at mga kapatid mag iba dawako ng tatahaking landas upang matulungan ko raw ang aking mga kapatid.

Kaya naman ako ay pinag bubuti ko ang aking pag aaral. Upang di masayang ang ibinigay sa akin ng opurtunidad ng aking tiyuhin.

Gusto ko sana sila alagaan pag dating sa kanilang pag tanda. Alam ko di nila kailangan ng pinasiyal na bagay gusto ko lang Makita nila ang aking pag tanaw ng utang na loob sa kanila.

Kaya naman nag papasalamat ako ng marami sa kanila. Sa kanila ko lamang nadama ang tunay na pag mamalasakit ng tunay na magulang.

Hagang ngayon ay nakatira ako sa kanila at tinuturing na kanilang anak.

Ayoko kong tumulad sa aking mga kapatid nais kong makapag tapos ng pag aaral simple lang naman akong tao at may simpleng pangarap sa buhay nag papasalamat ako sa diyos at sa aking tiyuhin na tumutulong sa akin ngayon.






Saturday, February 19, 2011

ANG TALAMBUHAY ni Jhoana P. Dichoso

noong ako ay baby pa
    
  Sa Lungsod ng San Pablo ,Sa nayon ng Brgy.Santo Angel kung saan nanirahan ang aking naging Ina na si Alice Capina Pasco ito ay iningalan sa kanya noong siya ay ipinanganak ng kanyang Inang si Senita C. Pasco at Dominador S. Pasco na kanyang mga magulang.




Ang aking Ina ay pangatlo sa labing-isang magkakapatid.Siya ay naging responsable sa kanyang tungkulin bilang nakakatanda sa mga kaptid.Ang panganay na kapatid ay si arsina,sumunod si juliet,pangatlo ang aking ina.Sila ay walong babae at tatlong lalaki.

Sila ay napapag-aral ng kanilang magulang sa kanilang karamihan.Sila ay nag-aaral sa paaralan ng Laguna College ng aming Lungsod.Dahil sa hirap lamang ng istado ng buhay nila ay nagtarbaho muna ang aking ina bago nag-aral.Sa pinasukan niyang skwelahan doon sila nagkakilala ng aking Ama na si Cleomedez Borja Dichoso Jr na isang maginoo.makisig,matipuno,agresibo at matalino. 
noong ako ay 3  taong
gulang 
Sa pagkakita daw ng aking Ama sa aking Ina na humaling daw siya rito at mismong sa tahanan ng aking ina siya ay namanhikanng ligaw.Ang aking Ama ay pang-anim sa pitong magkakapatid.Siya ay moderno ng mga ito.Ang kanyang mga magulang ay sina Amor Dichoso at si Cleomedez B.Dichoso Sr.na aking mga ginagalng kahit sila ay hindi ko man lamang inabutan kahit noong ako ay isinisilang pa lamang,ngunit marami na ako naririnig na magagandang balita tungkol sa kanila ang lola ko daw ay isang guro sa paaralan ng elementary sa aming nayon.

Sa partido ng aking mga magulang makikita at masasabi kong sila ay pinalaking maayos t nasa matuwid.Ngunit dala na rin marahil ng sila ay mga bata nakapagsama agad sila ng maaga.Ang aking ina ay 19 taong gulang lamang ng mapangasawa ang aking Ama at ang aking ama ay 17 taong gulang lamang ,sila ay nakapagtapos lamang sa 3 baitang sa sekondarya ng paaralang kanilang pinapasukan. 

Ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng kanilang panganay na anak na lalki na si Junmark P. Dichoso,siya ay isinilang noong Hunyo 26.Nang makatatlong taon na ang kanilang anak ay napag-isipan na mag-aral muli sa TESDA lamang na kursong electronics ng sa gayo ay may maibuhay at maitawid niya kanyang mabubuo isang pamilya. Sa kanyang pagsisikap ay nakapagtapos siya ng kursong electronics na kinukuha niya sa TESDA.Na sa bawat kaarawan ng kanyang anak ay napapgtagumpayan pa niya itong maipaghanda.Hanggang sa makakuha na siya ng trabaho.Dahil pa rin sa kanilang murang idad ay hindi pa rin maalis sa kanila ang pag-away at ilang di pagkakaintindihan,kahit nagkakaganoon pa man ay nanayos naman ito.Pagkaraan ng tatlong taon ay nasundan ulet ang kanilang panganay na anak ng isang babae.
7 TAON NOONG AKO AY UMABAY SA PINSAN KO
Pinanganak ang kanilang pangalawang anak noong septembre 21.Ang ipinangalan nila rito ay Jamaica P. Dichoso.Sa pagsilang ng aking kapatid na babae ay nagbago daw ang aking ama marahil siguro sa pagkakaroon ng anak na babae.Sa kanyang pagtratrabaho ay lalo pa niyang pinagsikapan at lalo pang naging matibay ang pagsasama nila ng aking ina.Pagkaraan pa ng 5 taong mahigit ay nasundan nang lalaki na pumangatlo.pinangalanan nila ito sa ngalan ng aking ama na Cleomedez P. Dichoso III .
NOONG AKO AY NAGING PAROK 
Siya ang pumangatlo sa aming magkakapatid .Dahil sa pagdami na ng kanilang ibinubunga ay nagkaroon na ng hirap sa estado ng kanilang pamumuhay at kailangan lalo pang magsikap ng aking ama.Naisipan na nilang magpakasal kahit sa huwes lamang sapagkat wala nang pundasyon para sa magarbo pangkasalan. 

Sa 2 taong nagsasama ay napakahalaga na ng isang kasal sa batas at sa mata ng Diyos,dito pinatibay ang kanilang panindigan at pagmamahalan.Pagkaraan pa ng 4 na taon na munga pa ang labis na pagmamahalan.




GRADUATION NOONG AKO AY KINDER
                                         


At sa wakas ay ako na ang ibinunga ng aking ina.Ang ipinangalan nila sa akin ay Joana P. Dichoso.Ako na ang kanilang bunsong anak ,ngunit hindi naging normal ang pagluwal sa akin ng aking ina kailangan pangdalhin sa ospital dahil sa paninilaw ng aking balat na hindi karaniwan sa isang sanggol,kaya hindi rin naging biro ang mga gastusin sa pananatili ko sa ospital kaya sa bawat linggong mananatili ako sa ospital ay bumibigat din ang gastos hanggang sa magkautang-utang na ang aking magulang.
AKO NOONG UMABAY SA TITA KO
Saawa namna ng Diyos ay gumaling na ako.Nang nag-aral na ang kanilang panganay na anak ,dahil sa ito ay lalki hindi pa rin maiiwasan ang problema . Ang panganay na kapatid ko lamang ay nakapagtapos lamang sa TESDA ng electronics. Isang masaklap na pangyayari pa ang nararasan ng aking kapatid na makaaksidente niyang mabuntis ang kanyang nobya at dahil rito kanya itong pinanagutan isa itong malaking responsibilidad,siya aya nakapag-asawa ng wala sa tamang panahon.
                           
           Ang kanya pang naging nobya ay hindi responsable at hindi kakikitaan nang kaaya-ayang kaugalian.Simulat sapul ay hindi ko nagustuhan ng nobya ng aking kapatid.Sa pagsilang ng kanilang unang anak na pinangalanang El John Loise Santos ,dahil hindi pa sila kasal sa dahilan ayao parin ng kapatid ko.Pagkaraan pa ng tatlong taong pagsasama nila ay nasundan naman ito ng isa pa babae ang naging bunga nito,Pinangalanan itong Ezekiel Joas Santos.

Pagkaraan ng kaarawan ng kanilang bunsong anak ay nagkaroon ng malaking dagok sa aking kapatid ang tuluyang paghihiwalay nila.Sa ganoong pangyayari ang aking kapatid ay umuwe sa amin kasama ang 2 niyang anak at tuluyang ng iniwan ang ang kanyang kinakasama.Nasira nang tuluyan ang pinapangarap niyang isang buong pamilya,kahit ganoon lamang ang naging istado ng kanilang buhay ay nakikita ko ang lahat ngpaghihirap ng kapatid ko maitawid lamang sa gutom at hirap ang kanyang pamilya,nangungutang,paghihirap sa pagtratrabahobilang meterreader isang baranggay ang nilalakad sa kasagsagan ng init ng araw,kung di man init kasagsagan ng ulan hanggang ngayon nasa puder pa rin namin sila. 


Ito ang pagkakamali na nagawa niya ganun pa man ay hindi mapagsisihan dahil binigyan naman siya ng 2 anak at kapiling pa namin.Ang pangalawa ko namang kapatid nadin sa kapakanan namin.Sa pagpasok ko ng elementary puro pag-aaral at paglalro lamang ako,kain,tulog,noong ako ay grade 6 na sa baitang ng elementarya ya nagkaroon na agad ako nagkasintahan at si jerome gunday ito noon ay wal apa akong kaalam alam sa kung anong mayroon sa isang relasyon.  Sa pagpasok ko ng highskul sa Dizon high o COL.LAURO D. DIZON MNHS kung saaan doon din nagtapos ang aking mgakapatid.Sa pagpasok ko ay hindi naman naging mahirap sa akin ang paghahanap ng mga kaibigan.Naging matalik kong kaibigan sina Jian dela cruz,charmaine genil,annalin bonilla,mika loyola.Lahat kami ay may iba-ibang katangian at kakayahan at kagandahan=)Iba-ibang mga  mabibigat na pagsubok din ang dumating sa amin at sasama namin itong nilulutas ,problema sa pamilya,sa sarili,at sa mga iniibig.


AKO  AT ANG AKING INA


Sa mga karanasan namin ay marami kaming natutunan .Sa panahon namin ngayon ang tukso at problema ay malapit lamang sa amin ngunit ito ay sinusulusunan ng nasa tama at nasa lugar.Ang pag-iibigan ay nilulugar at nasa tama lamang pananaw huwag magmadali ng hindi magkamali ito ay pinagplaplanuhan sa tamang panahon. Sa pangatlong baitang ay na kilala ko naman namin si Angila Clarizze Aquino na transfere sa manila.Di nagtagal nakasama na rin namin siyua sa lahat ng bagay sa hirap man o saya.


Sa mga taon pangdumadaan maraming pagsubok ang dumadaan sa akin sa pamilya ,sa pag-aaral,sa taong dapat na mahalin malaki rin silang kagampanan  bilang mga kaibigan.Noon ay nagawa kong sugatan ang sarili ko o laslas na hindi biro,ngunit hindi  ko ito itutuloy dahil hindi ko kaya at napag-isipan kong mali at malaking kasalanan ito sa diyos, hindi rin ito ang sulusyon sa mga problema ko.Isang malaking aral na ito pra sa akin. 

Ang mga karanasan kong ito ang nagsisilbing nagpapatibay sa akin.Sa aking pag-aaral ay  sisikapin kong makatapos at makamtan ang mga panagarap ko sa buhay ,para sa mga umaasa at sa mahal ko sa buhay sa paghihirap na ibinigay nila sa akin mapalaki lamang akong maayos at maging matagumpay.Isang mahalagang bagay ang pananampalataya sa may kapal habang tayo ay nabubuhay sa mundo.              ♥♥                                                                                                                      ♥♥
♥♥                                                                                                                    ♥♥

Friday, February 11, 2011

Talambuhay ni Christian Ace S. Glorioso


Christian Ace S. Glorioso 2 months old
       Ang ama ko ay si Eden M. Glorioso na pinanganak sa Brgy. San Ignacio ,San Pablo City. Pinanganak siya noong Enero 9,1961 at pang labing dalawa sa kanialng magkakapatid. Ang ama niya ay siDelfin Glorioso at ang Ina niya ay si Eliodora Glorioso na kpwa taga san pablo din.Ang ina ko naman ay si Josephine S. Glorioso na pinaganak sa Legaspi City. Pinanganak siya noong Disyembre 6 ,1971. Ang ama nya ay si Ramon Sarza at ang ina nya ay si Eufrecina Sarza na kapwa taga Legaspi din. Nagkakilala ang ama't ina ko dito sa San Pablo. Nung nag trabaho ang ina ko dito sa san pablo. Noong una maraming syota ng tatay ko pero si mama ang napili ng ama ko. Niligawan,Kinulit-kulit at Sinusundan-sundan napamahal at sinagot ni mama ang papa ko. Nagpakasal sila noong Setyembre 14 ,1994 sa simbahan ng aglipay kahit protestante kami. Sa pagsasama nila ay nagkaanak sila ng apat at ako ang panganay sa aming apat.Ako si Christian Ace S. Glorioso at ito ang talambuhay ko. Nakatira at Ipinanganak ako sa Brgy.San Ignacio Bayan ng San Pablo sa Laguna. Ipinanganak ako noong Mayo 5,1995 meron akong tatlong kapatid at lahat kami ay lalaki sina Mark Jester, Jerome at John Vincent at lahat kami ay lalaking tunay. Ang ama ko ay si Eden M.Glorioso at ang ina ko ay si Josephine S. Glorioso. Kaming anim ay magkakasama sa bahay masaya naman kami kapag nasa bahay kahit mahirap lang.


My Mother And Me
Nag-aaral ako sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial High School kasama kong nag aaral doon ang isa ko pang kapatid na si Mark Jester.Noong elementarya ako sa Brgy.San Ignacio ako nag-aral at ito ang Bernadina Aranza Deveza Memorial Elementary School.Naging Grade I ako at muntik na ako maging Honor Student Kaso pagkakaalam ko dalwang buwan akong absent sa paaralan ko kadahilanang namatay ang aking lola at nagkasakit ako noong araw na iyon. Ang saya ko nung nasa elementarya ako pag minsan nag cu-cutting classes ako nahuhuli pa ako ng aking guro. Maraming kaibigan at Best Friend ko ay si Rendo at si Joseph. Noong ay Grade VI fisrt time kong mag ka-crush at yon bukod sa naging crush ko siya na-inlove pa ako sa kanya at siya ay si SECRET!. Ako ang batang maraming paborito katulad ng kumain ,Matulog ,Maglaro ,Manood ng Telebisyon lalo na kung ang palabas ay nba o pba. Gusto ko rin ang basketball paborito ko sina James Yap, Jimmy Alapag ,Arwind Santos at si L.a Tenorio sa Pba at sa Nba naman ay sina Ron Artest Kobe Bryant ,Lebron James at si Paul Pierce..

Mrs.Santos And Me

  Noong Grade V ay ang galing ko daw sa math sabi ng aking guro ,kaya napalaban ako sa Math Quiz  noong ako ay nasa elemantarya pero umayaw naman ako sa laban. noong pumunta kami sa San Fernando ,La Union ay naging masaya kahit malayo aat matagal ang biyahe kaya nag punta kami roon ay kasal ng aking Tiyahen. Marami akong naging kaibigan doon at mas marami na akong pinsan doon.Noong nanibago pa ako sa klima doon kasi malamig ang temperatura doon at sa San Pablo ay mainit. Nagpunta na rin kami sa tagaytay dahil sa seminar ng simbahan namin.naging masaya ako doon kasi nakasakay ako sa kabayo at unang pagkakataon ko iyon. Noong ako ay Grade VI. Nakaranas ako ng Field Trip at School Camping masaya ako at maraming kasama at pumunta kami sa Enchanted Kingdom . Noong School Camping naman halog hindi ako makatulog kasi nasa school kami at hindi ako sanay pero naging mas naging adventurous iyon noong kami ay nag Hiking sa Renmar Village.Grumaduate ako ng Grade VI at malungkot ako dahil sa magkakahiwalay na kami ng aking mga kaklase na anim na taon kong kaklase. Syempre bago nag-alisan ng paaralan nagyapusan muna kami bilang tanda ng pagkakaibigan namin pati ang aking guro ay napa-iyak na rin dahil sa amin. At ang panibagong araw na sisimulan namin noong umagang iyo ang nagpunta kami sa Mall Of Asia para maningin ng bibilhing damit ni Mark Jester at kumain muna kami sa Mcdonalds para upang mag tang-halian pagkatapos nun ay  namasyal muna kami sa loob at masyadong malaki ang Mall Of Asia kung ikukumpara mo sa ibang Mall na napuntahan namin sabi nga nila tatlong pinagsama-sama na mall iyon at kaya medyo napagod din kami sa pagalalakad doon kaya bumili muna kami ng maiinom at pagkatapos non nakita namin yung time zone pumasok kami doon at naglaro muna ng video game at pagkatapos non naglaro kami n pop shot nakaraming puntos ako kaya naka dalwang round ako non at pagkatapos ay lumabas na ticket doon at pinapaltan ko ng stuff toy na teddy bear ang nakuha kong ticket at ibinigay ko sa kapatid kong si Mark Jester pagkatapos non ay lumabas na kami sa time zone at nung papauwi na kami ay napadaan muna kami sa Shrine Of Jesus sa labas lang iyon ng Mall Of Asia nanalangin muna kami doon at pagkatapos non ay bumili kami ng aming makakain sa biyahe at pagkatapos non ay nagpunta kami sa Star City sa kadahilanang kaarawan ng aking kapatid na si Mark Jester doon nya ipinagdiriwang ang kanyang ika-sampung taong gulang masaya kaming pumunta doon at sa may main entrance pa lang kitang kita ko na ang magagandang rides ng Star City nung nakapasok na kami sa loob marami akong nakitang tindahan ng mga damit, sapatos ,laruan at kung ano ano pang bagay at may nagustuhan ang kapatid kong si Mark Jester na laruan at binila nya ito at pagkatapos non kumain kami sa chowking para mag meryenda at pagakatpos noon nagsimula na kaming magsakay sa mga rides una naming sinakyan ang wild river medyo nabasa kami at kaunti doon kasi nagtatalabsikang ang mga tubig at sunod na pinuntahan ay yung gabi ng lagim papasok pa lang doon ay medyo nakakatakot at nakakakaba pero nakapsok kami doon ng masaya na may kasamang takot at kaba ta pagkatapos non bumili kami ng zagu kasi medyo napagod kami sa mga rides.


Graduation picture at Kinder Garten
   Pagkatapos namin inumin ang zagu ay bumalik ulit kami sa mga rides at pagkatapos non masayang masaya kami pumunta non at masayang nakauwi sa aming bahay. At sumunod na linggo ay kaarawan naman ng aking pinsan nag puta kami sa Monte Vista na sakay sakay sa jeep mahaba ang biyahe kaya masaya kaming nagkwekwentuhan sa jeep pagkarating roon ay kumain muna kami ng tanghalian pagkatapos muna naming kumain at nag-pahinga muna kami ng kaunti at sabay nag langoy sa malamig at malalim na swimming pool. Naghamon kami ng basketball sa ibang mga bata doon at nagsimula na ang pinakapaborito ko sa lahat na ako ay naging high school nag high school ako Col. Lauro D. Dizon Memorial High School. Noong ako ay 1st Year nahirapan akong makipag-kaibigan kasi tahimik kami as in tahimik walang nag-uusap at ang sekyon ko ay 1-D. Pero nung pangalwa ,pangatlo at pang-apat hanggang nagtagal ay naging marami ang naging kaibigan ko naging kaibigan ko sina Dave ,Kenneth ,Axl ,Marlon ,Ferdinand ,Jeric Musa. Noong 1st Year ay unang sali ko Sci-Camp naging masaya sabay sabay naliligo kumakain at natutulog kaming magkakaklase at marami naging activity. Sumali rin ako sa Field Demo unang taon ay nanalo agad kami sa sayaw na itinuro ni Sr.Victorio nanalo din kami sa palabas na ibong adarna at ako ang naging Best Leproso at Best Ermitanyo sa nasabing palabas noong 2nd Year naman ay naging Gurong Tagapagngasiwa ay si Misis.Rebecca R. Bidula. Si Misis Bidula ay mabait, masipag na guro. Naging kaibigan ko rin sina Joey Ramos, Juan Paulo Mesa at si Norvin Bustero.

At Church of my Cousin's Wedding
 Naging masaya silang kasama ang tawag nga sa amin ay DarkMark. Ako si Joey si paulo si ferdinand at si ardie kami lagi ang magkakasama sa lahat ng oras noong bakasyon pumunta kami ng pinsan kong Gwapo sa Star Mall ,Alabang nag jollibee kami doon at doon kami nagtanghalian. Sabay nilibot namin ang mall at nag computer kami doon sa netopia at nag fun house kami doon namili rin kami doon ng kung ano ano at bumili doon ng damit ang aking pinsan. Noong pauwi na kami ay sumakay kami ng Ordinary Bus at bumaba kami sa medical ng san pablo. At nagpunta kami ng bayan at kumain kami sa Lugaw Queen bago umuwi kami ay nag basketball sabay nag computer at pagkatapos naming mag computer at binigyan nya ako ng P300 pesos ng pinsan ko.At nag 3rd year na ako ang section ko ay III-D ang adviser ko ay si Mrs.Lydia B. Gonzales. Kapag wala kaming klase ay nagpupunta kami sa video game na ang nilalaro namin ay 2k10 na NBA.Kami-kami ang naglalaro doong magkakalase ako si axl at si paolo ang naglalaro ng NBA at ang nilalaro naman ni ferdinand,robert,derequito ay guitar hero 3rd year high school namin naging kaklase si Rueda akala ko noong una mayabang sya ang samang tumingin yon pala mabait, singkit lang ang mata.Sa math naging guro ko si Ms.Dimaano na ngayon ay Mrs.Bondad naGuro ko si Ms.Juaquin sa araling panlipunang ko naman sa english ang aming gurong tagapangasiwang si Mrs.Gonzales sa filipino ay si Ms.Lee at sa science ay si Mrs.Omana.

Me in my house
 Ngayong 3rd year ay nakaranas akong sumali sa JS PROM naging exciting ang lahat ng nangyari 11 na babae ang naisayaw ko kaya iyon pagkatapos ng gawain pagod at puyat na puyat ako at ang last year ko dito sa Dizon High 4th year, Dito ko naging guro si Mr.Romualdo H.Vasquez.Noong una malungkot ako dahil napalipat ang kaibigan ko sa ibang section  si axl at paolo sa 4-C.Pero naging masaya naman ako ng 4th year ko dahil sumali ulit ako sa sci-camp ang una naming activity doon ay ang obstacle sumunod ay umaga ng sabado inikot namin ang sampaloc lake na namulot kami ng basura doon.Pagkatapos nanood kami ng Ginoong at Ginang kalikasan nanalo ang kaklase naming si Christian Lois Rueda na ginoong kalikasan sa Field demo naman ay naging masaya kami kahit hindi kami pinalad at nakakatuwa pa rin ang pagsasayaw sa Field Demo.At noong nag mini-olympics kami ay hindi kami pinalad sa Cheer Dance pero sa mga laro ay lumaban kami sa volley ball ang una naming nakalaban ay IV-A at sunod-sunod ang aming panalo hanggang nakaabot kami sa Semi-Finals hindi kami pinalad na manalo sa Semi-Finals pero third place naman kami na tinalo namin ang 4-F sa Football naman ay 4-sci ang nakalaban namin ng una tinambakan namin 5-0 ang iskor.Nag Semi-Finals kami at 4-A ang nakalaban namin at panalo kami sa iskor na 2-1.Noong Finals 4-C ang kalaban namin ay 4-B na na-default.Nag champion kami sa football na tinalo namin ang 4-C sa iskor na 2-1.Sa basketball naman ay unang laban ay natalo agad kami sa 4-H.Hindi ako sumali ngayon sa JS PROM kahit ang theme ay hawaiin kasi wala kaming pera.

blogerz

san pablo city laguna, 4-A, Philippines