Powered By Blogger

Friday, February 11, 2011

Talambuhay ni Christian Ace S. Glorioso


Christian Ace S. Glorioso 2 months old
       Ang ama ko ay si Eden M. Glorioso na pinanganak sa Brgy. San Ignacio ,San Pablo City. Pinanganak siya noong Enero 9,1961 at pang labing dalawa sa kanialng magkakapatid. Ang ama niya ay siDelfin Glorioso at ang Ina niya ay si Eliodora Glorioso na kpwa taga san pablo din.Ang ina ko naman ay si Josephine S. Glorioso na pinaganak sa Legaspi City. Pinanganak siya noong Disyembre 6 ,1971. Ang ama nya ay si Ramon Sarza at ang ina nya ay si Eufrecina Sarza na kapwa taga Legaspi din. Nagkakilala ang ama't ina ko dito sa San Pablo. Nung nag trabaho ang ina ko dito sa san pablo. Noong una maraming syota ng tatay ko pero si mama ang napili ng ama ko. Niligawan,Kinulit-kulit at Sinusundan-sundan napamahal at sinagot ni mama ang papa ko. Nagpakasal sila noong Setyembre 14 ,1994 sa simbahan ng aglipay kahit protestante kami. Sa pagsasama nila ay nagkaanak sila ng apat at ako ang panganay sa aming apat.Ako si Christian Ace S. Glorioso at ito ang talambuhay ko. Nakatira at Ipinanganak ako sa Brgy.San Ignacio Bayan ng San Pablo sa Laguna. Ipinanganak ako noong Mayo 5,1995 meron akong tatlong kapatid at lahat kami ay lalaki sina Mark Jester, Jerome at John Vincent at lahat kami ay lalaking tunay. Ang ama ko ay si Eden M.Glorioso at ang ina ko ay si Josephine S. Glorioso. Kaming anim ay magkakasama sa bahay masaya naman kami kapag nasa bahay kahit mahirap lang.


My Mother And Me
Nag-aaral ako sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial High School kasama kong nag aaral doon ang isa ko pang kapatid na si Mark Jester.Noong elementarya ako sa Brgy.San Ignacio ako nag-aral at ito ang Bernadina Aranza Deveza Memorial Elementary School.Naging Grade I ako at muntik na ako maging Honor Student Kaso pagkakaalam ko dalwang buwan akong absent sa paaralan ko kadahilanang namatay ang aking lola at nagkasakit ako noong araw na iyon. Ang saya ko nung nasa elementarya ako pag minsan nag cu-cutting classes ako nahuhuli pa ako ng aking guro. Maraming kaibigan at Best Friend ko ay si Rendo at si Joseph. Noong ay Grade VI fisrt time kong mag ka-crush at yon bukod sa naging crush ko siya na-inlove pa ako sa kanya at siya ay si SECRET!. Ako ang batang maraming paborito katulad ng kumain ,Matulog ,Maglaro ,Manood ng Telebisyon lalo na kung ang palabas ay nba o pba. Gusto ko rin ang basketball paborito ko sina James Yap, Jimmy Alapag ,Arwind Santos at si L.a Tenorio sa Pba at sa Nba naman ay sina Ron Artest Kobe Bryant ,Lebron James at si Paul Pierce..

Mrs.Santos And Me

  Noong Grade V ay ang galing ko daw sa math sabi ng aking guro ,kaya napalaban ako sa Math Quiz  noong ako ay nasa elemantarya pero umayaw naman ako sa laban. noong pumunta kami sa San Fernando ,La Union ay naging masaya kahit malayo aat matagal ang biyahe kaya nag punta kami roon ay kasal ng aking Tiyahen. Marami akong naging kaibigan doon at mas marami na akong pinsan doon.Noong nanibago pa ako sa klima doon kasi malamig ang temperatura doon at sa San Pablo ay mainit. Nagpunta na rin kami sa tagaytay dahil sa seminar ng simbahan namin.naging masaya ako doon kasi nakasakay ako sa kabayo at unang pagkakataon ko iyon. Noong ako ay Grade VI. Nakaranas ako ng Field Trip at School Camping masaya ako at maraming kasama at pumunta kami sa Enchanted Kingdom . Noong School Camping naman halog hindi ako makatulog kasi nasa school kami at hindi ako sanay pero naging mas naging adventurous iyon noong kami ay nag Hiking sa Renmar Village.Grumaduate ako ng Grade VI at malungkot ako dahil sa magkakahiwalay na kami ng aking mga kaklase na anim na taon kong kaklase. Syempre bago nag-alisan ng paaralan nagyapusan muna kami bilang tanda ng pagkakaibigan namin pati ang aking guro ay napa-iyak na rin dahil sa amin. At ang panibagong araw na sisimulan namin noong umagang iyo ang nagpunta kami sa Mall Of Asia para maningin ng bibilhing damit ni Mark Jester at kumain muna kami sa Mcdonalds para upang mag tang-halian pagkatapos nun ay  namasyal muna kami sa loob at masyadong malaki ang Mall Of Asia kung ikukumpara mo sa ibang Mall na napuntahan namin sabi nga nila tatlong pinagsama-sama na mall iyon at kaya medyo napagod din kami sa pagalalakad doon kaya bumili muna kami ng maiinom at pagkatapos non nakita namin yung time zone pumasok kami doon at naglaro muna ng video game at pagkatapos non naglaro kami n pop shot nakaraming puntos ako kaya naka dalwang round ako non at pagkatapos ay lumabas na ticket doon at pinapaltan ko ng stuff toy na teddy bear ang nakuha kong ticket at ibinigay ko sa kapatid kong si Mark Jester pagkatapos non ay lumabas na kami sa time zone at nung papauwi na kami ay napadaan muna kami sa Shrine Of Jesus sa labas lang iyon ng Mall Of Asia nanalangin muna kami doon at pagkatapos non ay bumili kami ng aming makakain sa biyahe at pagkatapos non ay nagpunta kami sa Star City sa kadahilanang kaarawan ng aking kapatid na si Mark Jester doon nya ipinagdiriwang ang kanyang ika-sampung taong gulang masaya kaming pumunta doon at sa may main entrance pa lang kitang kita ko na ang magagandang rides ng Star City nung nakapasok na kami sa loob marami akong nakitang tindahan ng mga damit, sapatos ,laruan at kung ano ano pang bagay at may nagustuhan ang kapatid kong si Mark Jester na laruan at binila nya ito at pagkatapos non kumain kami sa chowking para mag meryenda at pagakatpos noon nagsimula na kaming magsakay sa mga rides una naming sinakyan ang wild river medyo nabasa kami at kaunti doon kasi nagtatalabsikang ang mga tubig at sunod na pinuntahan ay yung gabi ng lagim papasok pa lang doon ay medyo nakakatakot at nakakakaba pero nakapsok kami doon ng masaya na may kasamang takot at kaba ta pagkatapos non bumili kami ng zagu kasi medyo napagod kami sa mga rides.


Graduation picture at Kinder Garten
   Pagkatapos namin inumin ang zagu ay bumalik ulit kami sa mga rides at pagkatapos non masayang masaya kami pumunta non at masayang nakauwi sa aming bahay. At sumunod na linggo ay kaarawan naman ng aking pinsan nag puta kami sa Monte Vista na sakay sakay sa jeep mahaba ang biyahe kaya masaya kaming nagkwekwentuhan sa jeep pagkarating roon ay kumain muna kami ng tanghalian pagkatapos muna naming kumain at nag-pahinga muna kami ng kaunti at sabay nag langoy sa malamig at malalim na swimming pool. Naghamon kami ng basketball sa ibang mga bata doon at nagsimula na ang pinakapaborito ko sa lahat na ako ay naging high school nag high school ako Col. Lauro D. Dizon Memorial High School. Noong ako ay 1st Year nahirapan akong makipag-kaibigan kasi tahimik kami as in tahimik walang nag-uusap at ang sekyon ko ay 1-D. Pero nung pangalwa ,pangatlo at pang-apat hanggang nagtagal ay naging marami ang naging kaibigan ko naging kaibigan ko sina Dave ,Kenneth ,Axl ,Marlon ,Ferdinand ,Jeric Musa. Noong 1st Year ay unang sali ko Sci-Camp naging masaya sabay sabay naliligo kumakain at natutulog kaming magkakaklase at marami naging activity. Sumali rin ako sa Field Demo unang taon ay nanalo agad kami sa sayaw na itinuro ni Sr.Victorio nanalo din kami sa palabas na ibong adarna at ako ang naging Best Leproso at Best Ermitanyo sa nasabing palabas noong 2nd Year naman ay naging Gurong Tagapagngasiwa ay si Misis.Rebecca R. Bidula. Si Misis Bidula ay mabait, masipag na guro. Naging kaibigan ko rin sina Joey Ramos, Juan Paulo Mesa at si Norvin Bustero.

At Church of my Cousin's Wedding
 Naging masaya silang kasama ang tawag nga sa amin ay DarkMark. Ako si Joey si paulo si ferdinand at si ardie kami lagi ang magkakasama sa lahat ng oras noong bakasyon pumunta kami ng pinsan kong Gwapo sa Star Mall ,Alabang nag jollibee kami doon at doon kami nagtanghalian. Sabay nilibot namin ang mall at nag computer kami doon sa netopia at nag fun house kami doon namili rin kami doon ng kung ano ano at bumili doon ng damit ang aking pinsan. Noong pauwi na kami ay sumakay kami ng Ordinary Bus at bumaba kami sa medical ng san pablo. At nagpunta kami ng bayan at kumain kami sa Lugaw Queen bago umuwi kami ay nag basketball sabay nag computer at pagkatapos naming mag computer at binigyan nya ako ng P300 pesos ng pinsan ko.At nag 3rd year na ako ang section ko ay III-D ang adviser ko ay si Mrs.Lydia B. Gonzales. Kapag wala kaming klase ay nagpupunta kami sa video game na ang nilalaro namin ay 2k10 na NBA.Kami-kami ang naglalaro doong magkakalase ako si axl at si paolo ang naglalaro ng NBA at ang nilalaro naman ni ferdinand,robert,derequito ay guitar hero 3rd year high school namin naging kaklase si Rueda akala ko noong una mayabang sya ang samang tumingin yon pala mabait, singkit lang ang mata.Sa math naging guro ko si Ms.Dimaano na ngayon ay Mrs.Bondad naGuro ko si Ms.Juaquin sa araling panlipunang ko naman sa english ang aming gurong tagapangasiwang si Mrs.Gonzales sa filipino ay si Ms.Lee at sa science ay si Mrs.Omana.

Me in my house
 Ngayong 3rd year ay nakaranas akong sumali sa JS PROM naging exciting ang lahat ng nangyari 11 na babae ang naisayaw ko kaya iyon pagkatapos ng gawain pagod at puyat na puyat ako at ang last year ko dito sa Dizon High 4th year, Dito ko naging guro si Mr.Romualdo H.Vasquez.Noong una malungkot ako dahil napalipat ang kaibigan ko sa ibang section  si axl at paolo sa 4-C.Pero naging masaya naman ako ng 4th year ko dahil sumali ulit ako sa sci-camp ang una naming activity doon ay ang obstacle sumunod ay umaga ng sabado inikot namin ang sampaloc lake na namulot kami ng basura doon.Pagkatapos nanood kami ng Ginoong at Ginang kalikasan nanalo ang kaklase naming si Christian Lois Rueda na ginoong kalikasan sa Field demo naman ay naging masaya kami kahit hindi kami pinalad at nakakatuwa pa rin ang pagsasayaw sa Field Demo.At noong nag mini-olympics kami ay hindi kami pinalad sa Cheer Dance pero sa mga laro ay lumaban kami sa volley ball ang una naming nakalaban ay IV-A at sunod-sunod ang aming panalo hanggang nakaabot kami sa Semi-Finals hindi kami pinalad na manalo sa Semi-Finals pero third place naman kami na tinalo namin ang 4-F sa Football naman ay 4-sci ang nakalaban namin ng una tinambakan namin 5-0 ang iskor.Nag Semi-Finals kami at 4-A ang nakalaban namin at panalo kami sa iskor na 2-1.Noong Finals 4-C ang kalaban namin ay 4-B na na-default.Nag champion kami sa football na tinalo namin ang 4-C sa iskor na 2-1.Sa basketball naman ay unang laban ay natalo agad kami sa 4-H.Hindi ako sumali ngayon sa JS PROM kahit ang theme ay hawaiin kasi wala kaming pera.

No comments:

Post a Comment

blogerz

san pablo city laguna, 4-A, Philippines