noong ako ay baby pa |
Sa Lungsod ng San Pablo ,Sa nayon ng Brgy.Santo Angel kung saan nanirahan ang aking naging Ina na si Alice Capina Pasco ito ay iningalan sa kanya noong siya ay ipinanganak ng kanyang Inang si Senita C. Pasco at Dominador S. Pasco na kanyang mga magulang.
Ang aking Ina ay pangatlo sa labing-isang magkakapatid.
Siya ay naging responsable sa kanyang tungkulin bilang nakakatanda sa mga kaptid.Ang panganay na kapatid ay si arsina,sumunod si juliet,pangatlo ang aking ina.
Sila ay walong babae at tatlong lalaki.
Sila ay napapag-aral ng kanilang magulang sa kanilang karamihan.
Sila ay nag-aaral sa paaralan ng Laguna College ng aming Lungsod.Dahil sa hirap lamang ng istado ng buhay nila ay nagtarbaho muna ang aking ina bago nag-aral.Sa pinasukan niyang skwelahan doon sila nagkakilala ng aking Ama na si Cleomedez Borja Dichoso Jr na isang maginoo.makisig,matipuno,agresibo at matalino.
noong ako ay 3 taong gulang |
Sa pagkakita daw ng aking Ama sa aking Ina na humaling daw siya rito at mismong sa tahanan ng aking ina siya ay namanhikanng ligaw.Ang aking Ama ay pang-anim sa pitong magkakapatid.Siya ay moderno ng mga ito.
Ang kanyang mga magulang ay sina Amor Dichoso at si Cleomedez B.Dichoso Sr.na aking mga ginagalng kahit sila ay hindi ko man lamang inabutan kahit noong ako ay isinisilang pa lamang,ngunit marami na ako naririnig na magagandang balita tungkol sa kanila ang lola ko daw ay isang guro sa paaralan ng elementary sa aming nayon.
Sa partido ng aking mga magulang makikita at masasabi kong sila ay pinalaking maayos t nasa matuwid.Ngunit dala na rin marahil ng sila ay mga bata nakapagsama agad sila ng maaga.Ang aking ina ay 19 taong gulang lamang ng mapangasawa ang aking Ama at ang aking ama ay 17 taong gulang lamang ,sila ay nakapagtapos lamang sa 3 baitang sa sekondarya ng paaralang kanilang pinapasukan.
Ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng kanilang panganay na anak na lalki na si Junmark P. Dichoso,siya ay isinilang noong Hunyo 26
.Nang makatatlong taon na ang kanilang anak ay napag-isipan na mag-aral muli sa TESDA lamang na kursong electronics ng sa gayo ay may maibuhay at maitawid niya kanyang mabubuo isang pamilya. Sa kanyang pagsisikap ay nakapagtapos siya ng kursong electronics na kinukuha niya sa TESDA.
Na sa bawat kaarawan ng kanyang anak ay napapgtagumpayan pa niya itong maipaghanda.
Hanggang sa makakuha na siya ng trabaho.Dahil pa rin sa kanilang murang idad ay hindi pa rin maalis sa kanila ang pag-away at ilang di pagkakaintindihan,kahit nagkakaganoon pa man ay nanayos naman ito.Pagkaraan ng tatlong taon ay nasundan ulet ang kanilang panganay na anak ng isang babae.
7 TAON NOONG AKO AY UMABAY SA PINSAN KO |
Pinanganak ang kanilang pangalawang anak noong septembre 21.
Ang ipinangalan nila rito ay Jamaica P. Dichoso.
Sa pagsilang ng aking kapatid na babae ay nagbago daw ang aking ama marahil siguro sa pagkakaroon ng anak na babae.
Sa kanyang pagtratrabaho ay lalo pa niyang pinagsikapan at lalo pang naging matibay ang pagsasama nila ng aking ina.Pagkaraan pa ng 5 taong mahigit ay nasundan nang lalaki na pumangatlo.pinangalanan nila ito sa ngalan ng aking ama na Cleomedez P. Dichoso III .
NOONG AKO AY NAGING PAROK |
Siya ang pumangatlo sa aming magkakapatid .Dahil sa pagdami na ng kanilang ibinubunga ay nagkaroon na ng hirap sa estado ng kanilang pamumuhay at kailangan lalo pang magsikap ng aking ama.
Naisipan na nilang magpakasal kahit sa huwes lamang sapagkat wala nang pundasyon para sa magarbo pangkasalan.
Sa 2 taong nagsasama ay napakahalaga na ng isang kasal sa batas at sa mata ng Diyos,dito pinatibay ang kanilang panindigan at pagmamahalan.Pagkaraan pa ng 4 na taon na munga pa ang labis na pagmamahalan.
GRADUATION NOONG AKO AY KINDER |
At sa wakas ay ako na ang ibinunga ng aking ina.Ang ipinangalan nila sa akin ay Joana P. Dichoso.
Ako na ang kanilang bunsong anak ,ngunit hindi naging normal ang pagluwal sa akin ng aking ina kailangan pangdalhin sa ospital dahil sa paninilaw ng aking balat na hi
ndi karaniwan sa isang sanggol,kaya hindi rin naging biro ang mga gastusin sa pananatili ko sa ospital kaya sa bawat linggong mananatili ako sa ospital ay bumibigat din ang gastos hanggang sa magkautang-utang na ang aking magulang.
AKO NOONG UMABAY SA TITA KO |
Saawa namna ng Diyos ay gumaling na ako.Nang nag-aral na ang kanilang panganay na anak ,dahil sa ito ay lalki hindi pa rin maiiwasan ang problema .
Ang panganay na kapatid ko lamang ay nakapagtapos lamang sa TESDA ng electronics.
Isang masaklap na pangyayari pa ang nararasan ng aking kapatid na makaaksidente niyang mabuntis ang kanyang nobya at dahil rito kanya itong pinanagutan isa itong malaking responsibilidad,siya aya nakapag-asawa ng wala sa tamang panahon.
Ang kanya pang naging nobya ay hindi responsable at hindi kakikitaan nang kaaya-ayang kaugalian.Simulat sapul ay hindi ko nagustuhan ng nobya ng aking kapatid.Sa pagsilang ng kanilang unang anak na pinangalanang El John Loise Santos ,dahil hindi pa sila kasal sa dahilan ayao parin ng kapatid ko.
Pagkaraan pa ng tatlong taong pagsasama nila ay nasundan naman ito ng isa pa babae ang naging bunga nito,Pinangalanan itong Ezekiel Joas Santos.
Pagkaraan ng kaarawan ng kanilang bunsong anak ay nagkaroon ng malaking dagok sa aking kapatid ang tuluyang paghihiwalay nila.
Sa ganoong pangyayari ang aking kapatid ay umuwe sa amin kasama ang 2 niyang anak at tuluyang ng iniwan ang ang kanyang kinakasama.
Nasira nang tuluyan ang pinapangarap niyang isang buong pamilya,kahit ganoon lamang ang naging istado ng kanilang buhay ay nakikita ko ang lahat ngpaghihirap ng kapatid ko maitawid lamang sa gutom at hirap ang kanyang pamilya,nangungutang,paghihirap sa pagtratrabahobilang meterreader isang baranggay ang nilalakad sa kasagsagan ng init ng araw,kung di man init kasagsagan ng ulan hanggang ngayon nasa puder pa rin namin sila.
Ito ang pagkakamali na nagawa niya ganun pa man ay hindi mapagsisihan dahil binigyan naman siya ng 2 anak at kapiling pa namin.Ang pangalawa ko namang kapatid na
din sa kapakanan namin.Sa pagpasok ko ng elementary puro pag-aaral at paglalro lamang ako,kain,tulog,noong ako ay grade 6 na sa baitang ng elementarya ya nagkaroon na agad ako nagkasintahan at si jerome gunday ito noon ay wal apa akong kaalam alam sa kung anong mayroon sa isang relasyon.
Sa pagpasok ko ng highskul sa Dizon high o COL.LAURO D. DIZON MNHS kung saaan doon din nagtapos ang aking mgakapatid.Sa pagpasok ko ay hindi naman naging mahirap sa akin ang paghahanap ng mga kaibigan.
Naging matalik kong kaibigan sina Jian dela cruz,charmaine genil,annalin bonilla,mika loyola.
Lahat kami ay may iba-ibang katangian at kakayahan at kagandahan=)Iba-ibang mga mabibigat na pagsubok din ang dumating sa amin at sasama namin itong nilulutas ,problema sa pamilya,sa sarili,at sa mga iniibig.
AKO AT ANG AKING INA |
Sa mga karanasan namin ay marami kaming natutunan .Sa panahon namin ngayon ang tukso at problema ay malapit lamang sa amin ngunit ito ay sinusulusunan ng nasa tama at nasa lugar.
Ang pag-iibigan ay nilulugar at nasa tama lamang pananaw huwag magmadali ng hindi magkamali ito ay pinagplaplanuhan sa tamang panahon.
Sa pangatlong baitang ay na kilala ko naman namin si Angila Clarizze Aquino na transfere sa manila.
Di nagtagal nakasama na rin namin siyua sa lahat ng bagay sa hirap man o saya
.
Sa mga taon pangdumadaan maraming pagsubok ang dumadaan sa akin sa pamilya ,sa pag-aaral,sa taong dapat na mahalin malaki rin silang kagampanan bilang mga kaibigan.
Noon ay nagawa kong sugatan ang sarili ko o laslas na hindi biro,ngunit hindi ko ito itutuloy dahil hindi ko kaya at napag-isipan kong mali at malaking kasalanan ito sa diyos, hindi rin ito ang sulusyon sa mga problema ko.Isang malaking aral na ito pra sa akin.
Ang mga karanasan kong ito ang nagsisilbing nagpapatibay sa akin.Sa aking pag-aaral ay sisikapin kong makatapos at makamtan ang mga panagarap ko sa buhay ,para sa mga umaasa at sa mahal ko sa buhay sa paghihirap na ibinigay nila sa akin mapalaki lamang akong maayos at maging matagumpay.
Isang mahalagang bagay ang pananampalataya sa may kapal habang tayo ay nabubuhay sa mundo.
♥♥ ♥♥
♥♥ ♥♥ |
No comments:
Post a Comment