Taong oktubre 21, 1985 isinilang ako sa bayan ng San Pablo lalawigan ng laguna.
Ang akin ama ay si Jose Bayani Salamat at aking ina naman ay Maria Luisa De Castro Olivares.
Ako ay may apat na kapatid si Jesica Salamat,Jocelyn Salamat,Jovito Salamat at Joselito Salamat. Bata pa lang ako ay namulat na ko sa di masayang pamilya. Dahil ang aking ama ay masyadong babaero kaya marami kaming kapatid sa ama.
ako at ang nga kapatid ko |
Natatandaan ko pa nung 5 taon pa lamang ako nakatira kami sa bahay ng ina ng aking ama. May kalakihan man ang aming bahay sapagkat ang mga tiyahin ko ay mga sipsep sa aking lola kaya nag pasya ang aking ina na iwan kami at dahil narin sa aking ama.
Ako ay naiwan sa aking kapatid at siya na ang nangalaga sa akin. Hanggang lumayas rin ang aking kapatid dahil na rin sa aking mga pinsan. Kaya nag pasya ang aking ama na dalhin ako sa kanyang pangalawang asawa. Kasama ko ang aking mga kapatid sa ama. Mahirap pa lang makisama sa di mo tunay na ina at mga kapatid.
Nang akoy nag pitong taon na ay pinag aral ako ng aking ama sa Ambray elementary school na malapit sa aming bahay sa Guadalupe. Subalit lumipat kami dahil nakabili ang aking ama sa maglalang ng lupa.
Nang akoy walong taon na nag aral naman ako sa San Roque elementary school. Masaya naman ako dahil marami akong naging kaibigan.
Nang akoy nasa ikatlong baitang na ay namatay ang aking ama kaya akoy napatigil sa aking pag aaral, dahil wala na sa aking mag papaaral ang inuna muna ng aking tiyahin ay ang kanyang mga anak.
Nang namatay ang aking ama ay gumuho ang aking mga pangarap sa buhay. Lahat ng mga kapatid ko ay nag si alis sa puder ng aking tiyahin kaya naman ako ay nag pasyang umalis.
Nag hanapako ng trabaho upang akoy makapag aral ngunit walang nakuha ng bata sa pag tratrabaho. Kaya naman nag sumikap ako makahanap at nakuha naman ako subalit di ako pinagaral.
Kaya humanap ulit ako ng pwedeng makatulong sa akin siyam na taon akong napatigil sa pag aaral at nag trabaho muna.
At sa wakas nakahanap ako ng mag asawa na makakatulong sa akin. Pinag aral nila ako pero nag tratrabaho ako sa kanila bilang tagapag alaga ng manok.
Pinag aral nila ako ng grade sa siniluan kapatatan elementary school halos 16 years old na kong ng grade 3 dahil matagal nga akong napatigil.
Sa kabutihang palad ay natapos ko ang grade 3 subalit ako ay di nakatiis dahil sa mahirap manirahan sa ibang tao. Lahat ng kilos mo kailangan ay alam nila kailangan tumulong ka bago ka pumasok.
Kaya nag pasya akong umalis at bumalik sa aking lugar na sinilangan. Bago ako umalis ay natapos ko ang ikaapat na baitang.
At pag balik ko sa San Pablo nabalitaan ko na namatay ang aking kapatid. Kaya naman nag pasya ako ulit mag aral upang di ako mapatulad sa aking mga kapatid.
Ako ay nag aral ng grade 5 ay ako ay 18 years old na. Una, nahihiya akong pumasok dahil baka sabihin ng mga kaklase ko na akoy matanda na.
Pero di naman ganoon ang nang yari dahil lahat ng mga kaklase ko ay mabait sa akin at naging kaibigan ko.
At sa wakas naka graduate ako kahit wala sa aking tumutulong sa aking mga financial na pangangailangan.
Halos 20 years old na ko ng akoy na ka graduate. Napaka saya ko dahil nakapag tapos na rin ako sa tulong ng diyos at sa trabaho ko upang matapos.
Ngunit nawalan ako ng pag asa ng akoy napatigil sa kadahilanan sa kakulangan sa pera. Napatigil ulit ako ng isang taon.
Pero di pa rin ako nawalan ng pag asa. Nag hanap ako ng tao na tutulong sa akin ayoko kasing tumulad sa akingmga kapatid na napariwara ang buhay.
At nakilala ko ang aking napaka bait na tiyuhin na si Apollo C. Malalang at akoy kanyang tinulungan upang maka pag aral.
noong ako ay 1rst year high school |
At ako nga ay pinaaral sa COL Lauro D Dizon MNHS ng first year at ako naman ay nag aral ng mabuti ng kami ay lumaban sa ibong adarna ay Masaya kaming mag kakaklase dahil nanalo kami sa laban at nakatanggap kami ng parangal na pinaka magaling gumanap sa higante.
Nung kami naman ay second year lumaban kami ng florante at laura ngunit wala kaming natamong parangal ngunit Masaya kami dahil nagawa namin ang best naming.
At kami ay nakapasa at naging third year na sa wakas malapit na kaming maging 4th year at ngayon kami ay malapit ng grumaduate. Napakasaya ko at malapit ko nang matapos ang aking pangarap sa buhay pero alam kong di pa ito ang talagang masasabing tagumpay gusto ko pang mag aral sa kolehiyo upang isang maging propesyonal at tumulad sa aking inspiration walang iba kung hindi ang aking butihing tiyuhin.
Siya ang tumulong sa akin at nag malasakit hindi lang samateryal na bagay pati na rin emosyonal. Na kahit wala akong naitulong sa kanya ay handa pa rin niya akong suportahan sa aking mga pangarap.
Lagi niya akong pinapangaralan na wag daw akong tutulad sa aking ama at mga kapatid mag iba dawako ng tatahaking landas upang matulungan ko raw ang aking mga kapatid.
Kaya naman ako ay pinag bubuti ko ang aking pag aaral. Upang di masayang ang ibinigay sa akin ng opurtunidad ng aking tiyuhin.
Gusto ko sana sila alagaan pag dating sa kanilang pag tanda. Alam ko di nila kailangan ng pinasiyal na bagay gusto ko lang Makita nila ang aking pag tanaw ng utang na loob sa kanila.
Kaya naman nag papasalamat ako ng marami sa kanila. Sa kanila ko lamang nadama ang tunay na pag mamalasakit ng tunay na magulang.
Hagang ngayon ay nakatira ako sa kanila at tinuturing na kanilang anak.
Ayoko kong tumulad sa aking mga kapatid nais kong makapag tapos ng pag aaral simple lang naman akong tao at may simpleng pangarap sa buhay nag papasalamat ako sa diyos at sa aking tiyuhin na tumutulong sa akin ngayon.
No comments:
Post a Comment