Ako po si Emerson D. Pingol. Ipinanganak ako noong Mayo 1, 1995. Ang aking mga magulang ay sina Eduardo C. Pingol at si Sonia D. Pingol. Meron po akong isang kapatid na nagngangalang Edwardson D. Pingol.
ako ay isang buwan pa lamang |
Meron siyang asawa na ang pangalan ay Candy C. Pingol. Meron silang dalawang anak na malulusog at makukulit ang mga pangalan nila ay Joshua C. Pingol at Clarissa C. Pingol. Kahit sila ay makukulit ay mahal na mahal ko ang aking mga pamangkin.
At kami ay nakatira sa Barangay 7-A 043 Fule Sahagun st. San Pablo City Laguna. Ako po ay nag aral ng kinder sa paaralang San Pablo Central school. Ang aking naging guro noon ay si mrs santos siya po ay napakabait at napaka ganda. Magaling po siyang magturo sa amin at napakabait niya po sa kanyang mga tinuturuan.
Ako po nung kinder ay napaka kulit pero ako naman po ay napag papasensyahan ng aking guro dahil pag minsan mabait naman ako sa kanya. Ako rin po ay nakasali rin sa isang palatuntunan nung akoy kinder. Masaya po akong nakapag tapos ng kinder.
nung ako ay tatlong taon pa lamang |
At dito narin po ako nag grade 1 at ang naging guro ko po nun ay si Ginang Galves. Kami po ay nag kahiwahiwalay na po kaming mag kakaklase ang iba po ay pumasok sa ibang school pero ang iba ay sa San Pablo Central School pa din. Pero naging Masaya parin ako dahil nagkakasama parin kami kahit hindi na kami mag kakaklase.
Dahil po kasi pag minsan ay nagkikita kita parin po kami pag may okasyon sa ibang lugar o sa kaarawan ng aking mga kaklase noon. Ako rin po ay napakulit na bata lagi po ako noon napapagalitan dahil sa aking kakulitan sa loob ng klase o sa labas ng room. Pero po ako ay kahit na makulit at pasaway noong grade 1 ako. Ako po at matulungin sa aking mga kaklase o kamag aaral. At ako ay mapag bigay sa aking mga kaklase kahit sila ay madamot sakin pag minsan ay sila parin ay binibigyan ko pag ako ay meron. Ako rin po dati ay lagi akong nakiki pag laro lalaro ng habul habulan. Ang aking mga kalaro ay ang aking mga kaklase Masaya kami pag kami ay nag lalaro pero pag minsan ay nag kakaaway kami dahil nagkakapikunan o nag kakaasaran. Minsan ako ay nasusugatan pero pag minsan ay di ko iniinda ang sakit o di man lang ako naiyak. Dahil pag ako’y umiyak ako ay mapapalo sa amin. Kaya pag minsan ay itinatago ko ito o di ko na lang sasabihin na ako ay may nasaktan o nasugatan sa aking tatay dahil ito ay magagalit sa akin. At pag minsan pag walang pasok ay di ako nakakalabas ng bahay dahil ako ay pinagbabawalan ng aking magulang dahil baka kung saan daw ako makapunta.
At pag katapos ko ng grade 1. Dito na rin ako nag grade 2 nung akoy nakatungtong na ng ikalawang baitang. Ang naging guro ko po non ay si Mrs. Glindro maliit lng po siya at cute pero wala po siyang asawa namatay na po ang kanyang asawa. Kaya nakatuon na lng po samin ang kanyang pagtuturo at atensyon. Meron din siyang dalawang anak at meron ng kanya kanyang pamilya.
at nung grade 3 naman po ako ay ang naging guro ko po nun ay si Mrs. Azucena may edad na po siya at at mabait din kagaya ng mga nauna kong mga guro. Pero ilang taon lang ay siya ay nagritiro na din dahil sa kanyang katandaan pero nung kami ay tinuturuan niya kami ay napakabait sa kanya at lagi kaming nasunod sa kanyang mga utos. Dahil ayaw namin syang magagalit sa amin.
At ang sumunod kong guro ay si Mrs. Hernandez siya ang naging guro ko sa ikaapat na baitang. Byuda na po siya pero pag minsan siya ay strikta sa amin kasi ayaw niya ng magulo ay maingay. Pero magaling siyang magturo sa amin. Siya rin po ang aking naging tutor siya po ang nagtuturo sakin ng mga ibang asignatura. Misan ay na papagalitan kami dahil sa aming kaingayan. Ako pag minsan ang kanyang pinag kakatiwalaan at inuutusan pero siya ay nag retiro na rin sa kadahilanang siya ay mag iibang bansa sa Australia . Dahil siya ay kinuha na ng kaniyang mga kapatid at kanyang ina.
At nung akoy grade 5 na ang aking naging guro ay si Mrs Llave siya po ay napaka istrikta sa amin pero pag kalaan ng ilang buwan ay siya rin ay nakasundo ko. Mataray lang po pala siya pag hindi nasunod sa kanya ang kanyang tinuturuan. Naging kaibigan din po siya ng aking nanay. Pag minsan ay ako rin po ang kanyang inuutusan kung may bibilhin siya sa canteen. Pero naging Masaya din po ako dahil marami rin akong naging kaibigan at kalaro. Marami narin akong natutunang bagong laro. Kagaya ng mga sipa at mga sikyo o kahit na anong laro. Pag minsan ako ay lagi akong nahuhuli dahil ako ay mabagal tumakbo nung magtatapos na kami ng grade 5 ay kami ay nag swimming sa villa gregoria. Marami kaming pag kain noon at kumpleto po rin kaming mag kakaklase magkakasama rin po ang aming mga magulang. Dahil po sila ay nag aayos n gaming kakainin at sila rin po ang aming tagabantay sa amin pagkatapos po naming mag swimming. Kami rin po ay umuwi agad.
Kung hindi pag tayo at pag pupushup kami ng dalawang daan walang tigil at walang pahinga. Pag minsan ay madalas kaming maglaro sa ilalim ng mga room pag minsan ay nagkakasakitan kami dahil sa aming mga kagaslawan. Pag minsan ay pikon ako dahil ayoko ng akoy inaasar at pag minsan ang aking mga kalaro ay pikon din. Ako din dati ay sumali din sa patimpalak sa gym ako ay pinalad manalo ng 1st runner up sa patimpalak na iyon laking tuwa ng aking mga magulang sakin dahil ako ay nanalo ng 1st runner up nag handa non si mama ng maraming pagkain at marami rin naman akong bisitang dumating. Dahil maraming kinumbida ang aking magulang kasama na ang aking mga kaklase at ang aking mga kamag anak at mga tiyahin.
Daig pa non ang aking birthday na kakaonti ang aking handa pag katapos non ay balik ulit ako sa pag aaral nakatuon na ulit ako sa aking pag aaral. Habang tumatagal ay pahirap ng pahirap ang itinuturo ng guro kaya pag minsan ay nababa ang grades sa major subject. Dahil ako ay mahina sa math at nung papatapos na ang taon ay naipasa ko naman ang lahat ng subject. Kaya ako ay naka graduate na ng grade 6 laking tuwa ko at ako ay nakakagraduate na din laking tuwa din ng aking magulang dahil ako din ay makakagraduate na.
ako ay graduate ng kinder |
at nung ako’y 1st year na ang naging guro ko ay si gng Brinas. Ako po ay kinakabahan dahil bago po ang aking guro at hindi ko pa alam ang kanyang ugali at naninibago po ako sa aking mga kaklase dahil hindi ko pa sila nakakasama o nakakausap man lang. habang tumatagal ako ay nag kakaroon din naman ng kaibigan at mga kakilala. Pero hindi ko pa sila lubos kilala kahit kami ay nag kakausap. Pag minsan ang mga kaibigan ko ang kasabay ko sa pag uwi o pag gawa ng mga project o sa kahit anong bagay.
Ako ay nakasundo ko narn ang aking mga guro at ang aking adviser. Pag minsan ay kami ay napapagalitan dahil sa aming kakulitan at kagaslawan pag minsan napaparusahan ako dahil ako ay late na pumasok dahil pag minsanakoay tinatanghali ng gising. Ako rin pag minsan ay wala akong assignment dahil ako ay tinatamad pag minsan ako ay sinali ng aking guro sa lakan at mutya ng dizon high sa una ayaw kong sumali dahil ako ay nahihiya at wala pa kong karanasan sa mga ganung bagay.
Napasali lang nila ako dahil ako ay tinakot lang ng aking guro na pag daw di ako sumali ay ako ay ihuhulog niya sa kaniyang subject. Nung araw ding iyon ay ako ay sumali din araw araw kaming nag prapractice sa paglalakad sa stage ang nagtuturo samin ay si sir victorio ako ay pinalad makapasok sa audition labing tatlo lang kaming napili na lalaban sa lakan at mutya nung araw ding iyon ay lalo akong kinabahan dahil umpisa na yon ng aming pagprapraktis at haharap na kami sa maraming tao sa buong dizon o sa ibang tao. Lagi akong napapagalitan sa aking praktis dahil ako ay hindi nasunod kay sir victorio sa kanyang mga sinasabi at instruction sa amin. Makaraan ng ilang linggo kami ay nag pictorial sa maria pas dun kami nag pakuha ng mga letrato kasama ko nun ang aking ate. Siya rin ang nag aayos sakin pag ako’y kukuhanan na ng lettrato at nung December 14 ay dun na ginanap ang labanan ng lakan at mutya ng dizon high sa pamana hall.
At nung mag papakilala na kami ay ako ay kinakabahan. Dahil ang daming tao sa labas ako naman ay pinalad manalo ng best in talent. Dahil ako ay sumayaw at ang pangalawa ko ay mr photogenic di ko inaasahan namakukuha ko ang mr photogenic. Dahil mas maraming may itsura sa akin kala ko best in talent lang. pasalamat na rin ako at nakakuha pako ng isang award. At nang pang huli ay nag tawagan na ng 2nd at 3rd kala ko di na ko mananalo pero nawalan na ko ng pag asa pero di ko alam na ako ang mananalo sa patimpalak na iyon. Laking tuwa ko dahil ako ay nanalo at laking tuwa din ng aking mga kaklase at nang aking guro at nang aking mga magulang ako ay nag papasalamat sa kanila dahil sila ang sumoporta sa akin at lalo na akoy nag papasalamat sa aking magulang natodo ang suporta sa akin. At pag katapos ng araw na iyon ay marami nang nakakakilala sa akin at marami narin akong bagong nakilalang kaibigan dahil lang sa pag Sali ko sa patimpalak na iyon ay marami na rin akongnakilalang bagong kaibigan. Dahil lang sa pagsali ko sapatimpalak na iyon. Habang tumatagal ay ako naman ay nagsisikap na sa aking pag aaral dahil magtatapos na ang taon kailangan kong mapataas ang aking marka para di bumaba ang seksyon ko.
Ako naman ay pinalad na makatungtong ng sekondarya. Kala ko ay bago na naman ang aking mga kaklase. At meron din naman kaming bagong kaklase. Masaya ako dahil sila parin ang aking mga kaklase at kasama at alam ko na ang mga ugali nila. Noon akoy nasa sekondarya kami ang nagtuturo sa amin. Pero kahit ganon ay nakabuo naman kami ng aming ipapalabas sa library. Kahit di naman kami pinalad manalo ay Masaya pa rin kami dahil nabuo namin ang aming play. At kami ay magkakasama pa din minsan kami ng mga kaklase ko ay nag aaway dahil pag minsan ay kami ay nagaasaran at nag kakapikunan at pagminsan ay nag tutulungan kami kahit sa anong bagay at nung nagtatapos na ang taon ay nag karoon ako nang problema sa science.
Dahil di ako nakapag pasa ng project di pinirmahan ang aking clearance. Pero sa huli ay napapirmahan ko naman iyon at nakumpleto ko naman ang aking mga pirma sa clearance.
Pagkatapos non nakatungtong na ko ng third year sabi nila napakahirap ng third year ang aking naging adviser ay si Mrs Baylon siya ay napakabait samin siya ang natulong samin pag kami ay may hulog sa ibang subject. Pag minsan siya ay mataray dahil sa aming kakulitan at nung nagtagal na ay nakasundo ko na rin siya. At nung mag js na ko ay wala ang aking ina.
Nag punta siyang Singapore isang buwan siya don di man lang naman niya ako nakita nung js ko ang nag ayos sakin non ay ang aking ate. Kahit wala ay umatend pa rin ako ng js Masaya naman dahil marami akong naisayaw. Kasama na din ng aking mga kaklase nung araw ding namang iyon\akoy maraming kasamang kaklase at kaibigan yun ang kaunaunahang js ko. Pag katapos ng kasiyahang iyon ay balik na ulit ako sa aking pag aaral napaka hirap talaga ng third year dahil maraming subject ang mahirap. Lalo na ang math ako naman ay pinalad makapasang third year.
nung akoy 4th year |
ngayon akoy 4th year na kailangan ko nang magsikap ng mabuti. Para akoy maka graduate pero marami narin naman akong nakilala sa pag dating ko ng 4th year. Kami ay sumali sa cheerdance pero hindi kami pinalad manalo. Dahil magaling ang aming mga kalaban pero mapalad narin kami at kami ay nakasali at ang aking naging adviser ay si Mr Vasques. Kahit siya ay napaka tahimik ay siya ay napaka bait sa amin. At siya ay napakagaling magturo pero ngayong 4th year parang napakadali ng mga asignatura dahil di tulad ng dati na akoy mababa pero ngayong 4th year ay napataas ko naman ang aking marka. Pero nitong first deliviration ay ako naman ay hindi naman napasali. Laking pasasalamat ko at hindi ako napasali at nung js ay hindi ako sumali dahil ang pangit ng isusuot. Kahit hindi ako nakasali ay naka experience din naman ako noong third year ako. Pero ngayon akoy nangangamba dahil hindi pa ko nakakasigurado kung ako ay makakagraduate dahil sa dami pang project. Pero inuunti unti ko namang tinatapos ang aking project para akoy makapasa pero ako ay umaasa na ngayong taon na ito ay ako ay makakatapos na ng aking pag aaral at akoy makakagraduate at makatungtong ng colleges.
No comments:
Post a Comment